^

PSN Showbiz

Eric napanaginipan si Dolphy na umiiling kaya 'di itinuloy ang tribute concert

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - The Philippine Star

Ayon kay Eric Quizon hindi niya itinuloy ang tribute concert para sa ama para mabigyan ng panahon si Zsa Zsa Padilla na makasama sa show. Nagdesisyon ang actor-director na gawin ito matapos mapanaginipan ang ama.

Naka-schedule ang concert noong Aug. 21 pero nakita niya ang yumaong ama sa panaginip na umiiling at parang sinasabing huwag niya itong gawin.

Para kay Eric, isang pahiwatig ito na hindi magiging kumpleto ang tribute concert kung hindi isasama ang long-time partner ng ama na si Zsa Zsa. Sa Sept. 19 na itutuloy ang tribute concert para mabigyan si Zsa Zsa ng panahong makapagpalakas matapos ang matagumpay na operasyon sa kidney.

Pumayag naman ang actress-singer at sinabing gusto ring nandun siya. Ang tribute concert na pinamagatang Dolphy Alay Tawa ay star-studded at magiging first public appearance ni Zsa Zsa pagkatapos ng mga pinagdaanan.

Ang kikitain sa show ay mapupunta sa Dolphy’s Aid Para sa Pinoy Foundation, Inc.

Gwen

hindi kayang maghubad

Kasama si Gwen Zamora sa Aso ni San Roque bilang Anaira, reyna ng mga aswang ng tubig. Isa siyang sirena na nang-aakit ng mga mangingisda at saka sila papatayin.

Hindi niya kayang maghubad at hindi kayang magpa-sexy kaya naka-leopard siya na flesh.

“Hindi ko keri ang magpa-sexy kaya kahit sa Bubble Gang ay naka-sando at shorts lang ako. Tingin ko sa aking sarili ay hindi ako sexy,” sabi niya.

At 22 years old meron na siyang boyfriend na nonshowbiz pero hindi ito nakikialam sa kanyang career at never siyang binawalan na magpa-sexy.

Bagama’t naunahan pa siyang magbida ni Andrea Torres sa isang teleserye ay satisfied naman si Gwen sa takbo ng career.

Pero sa pelikula ay nagbida na siya bilang ka-partner ni Vic Sotto sa Agimat ni Enteng sa Metro Manila Film Festival (MMFF) two years ago. Siya uli ang leading lady ng komedyante sa MMFF ngayong taon para sa Si Agimat, Si Enteng at Me kasama rin si Gwen sa international movie na The Road.

Pero bakit mailap ang pagbibida ng aktres sa telebisyon? Lagi na lang siyang suporta sa teleserye.

vuukle comment

AID PARA

ANDREA TORRES

BUBBLE GANG

DOLPHY ALAY TAWA

ERIC QUIZON

GWEN

GWEN ZAMORA

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with