Proud na proud ang mga Pinoy na dumalo kahapon sa premiere screening ng Thy Womb sa Venice International Film Festival dahil mainit ang naging pagtanggap ng foreign audience sa pelikula ni Brillante Mendoza.
Pagmamalaki ang na-feel nila dahil sa standing ovation at palakpakan na tumagal ng limang minuto nang matapos ang pelikula at habang papalabas ng sinehan ang cast at direktor ng Thy Womb.
Inabangan ang screening ng Thy Womb sa Venice International Film Festival dahil kinikilala sa mga international film festival ang husay ni Brillante na nag-win noon ng best director trophy sa Cannes Film Festival.
Popular din si Nora Aunor sa mga international film festival dahil sa acting awards na napanalunan niya. Shooting two birds with one stone si Nora sa Venice International Film Festival dahil dalawang pelikula niya ang ipinapalabas doon, ang Thy Womb at ang restored version ng Himala.
Katsa ni Rida,
kapalit ng mga plastic
Bawal na ang mga plastic sa Quezon City pero plastic bags ang ipinagbabawal dahil hindi naman puwedeng i-ban ang mga tao na nuno ng kaplastikan ang pag-uugali.
Isang city ordinance sa Quezon City ang pagbabawal ng paggamit ng mga plastic bag sa mga supermarket, restaurant, etc.
Sa totoo lang, marami ang natuwa sa ipinapatupad na city ordinance dahil well-educated na ang mga tao sa pangit na epekto sa kapaligiran ng mga plastic bag.
Timing na timing ang project ni Rida Robes, ang pretty at generous wife ni San Jose del Monte City Congressman Arthur Robes
Na-meet ko si Rida noong Martes sa Romulo Cafe at magaan ang loob ko sa kanya. Lalo kong na-appreciate si Rida dahil binigyan niya ako ng sample ng katsa bag na project ng samahan ng mga kababaihan sa San Jose Del Monte City na pinamumunuan niya
Ang ganda-ganda ng bag na very useful dahil puwedeng ito ang gamitin sa pagpunta sa supermarket bilang bawal na nga ang mga plastic bag.
Nagustuhan ko ang katsa bag dahil may bulsa ito sa loob na mapaglalagyan ng aking mga cell phone na non-stop ang pagtunog. Makapal ang katsa at matibay ang pagkakatahi kaya pang-matagalan ang gamit.
Humarap sa entertainment press si Rida dahil hiningi niya ang tulong ng mga reporter para sa kanyang katsa bag project na malapit nang mabili sa mga leading supermarket at department store.
Nag-imbita rin si Rida na suportahan ang fun run na pet project niya at magaganap ngayong Sabado sa Barangay Muzon, CSJDM, Bulacan.
Exclusive para sa mga vaklush ang fun run na tinawag ni Rida na Para sa ‘Yo Teh!!! Run for a Cause.
Maraming baklita ang naengganyo na mag-join sa fun run dahil nalaman nila na fabulous ang cash prizes. Nagpapasalamat si Rida sa mga sponsor ng Para sa ‘Yo Teh dahil marami sa mga kababayan niya ang makikinabang sa pera na malilikom mula sa fun run.
Maganda si Rida at lookalike siya ni Lian Paz, ang dyowa ni Paolo Contis. Pamilyar ang face ni Mrs. Robes dahil umapir na siya sa mga TV commercial.
Hindi lamang ang pagtulong sa kanyang mga kababayan ang pinagkakaabalahan ni Rida. Meron siyang catering business at involved sa memorial park business ang kanyang pamilya. Maabilidad din siya dahil hindi siya nauubusan ng mga pinaplano na project na mapapakinabangan ng constituents ng kanyang loving husband.