Eddie lumakas na uli!

Natuwa naman ako nang makita ko sa TV si Manoy Eddie Garcia. Lumabas ito para pabula­anan ang tsika na nagkaroon siya ng atake sa puso. Tumaas lang ng bahagya ang presyon niya pero nagpa-executive checkup na siya.

Para sa isang may edad 83, lubhang may kabili­san pang kumilos ang premyadong aktor, maging ang pag-iisip niya ay matalas pa rin. Salamat sa isang magandang pag-aalaga ng katawan. Habang tu­matanda ay lalo pang gumagaling na artista. Nakakainggit! Kaya give me five, Manoy!

Desisyong hindi makisaw­saw sa pulitika ni Cesar, kapuri-puri

Buti naman at hindi muna la­la­hok sa pulitika si Cesar Montano dahil sa napakaraming trabahong tinanggap niya. At least, hindi ma­babawasan ang industriya hin­di lamang ng isang magaling na aktor, kundi ng isa ring prod­yuser at direktor. Kakaunti na lang ang nagagawang pelikula ng industriya, kung mawawala pa ang isang tulad niya na sumusugal para hindi tuluyang mamatay ang industriya ay talagang kahina-hinayang naman.

Pinapapurihan ko si Buboy sa kanyang magandang adhikain para sa ikauunlad ng industriya.

Boyet maraming matutunan kay Gov. Vi

Mas mataas na posisyon pala ang tatakbuhin ni Christopher de Leon sa eleksiyon. From being a board member, pagiging kongresman naman ang ita-try niya. At muli, suportado siya ng kanyang dating ka-love team at kaibigang si Gov. Vilma Santos na sigurado ako ay maraming naituturo sa aktor pagdating sa pulitika dahil mas nauna siyang naging pulitiko at may mentor na tulad ng asawa niyang si Sen. Ralph Recto.

I’m sure hindi sila magiging maramot para i-guide si Boyet sa kanyang panibago at mas malaking laban sa pulitika. Good luck, Bro!

Show comments