Kaya concentrate muna sa pagpapagamot: Multiple sclerosis ni Alma bumalik!
PIK: Masaya itong naisip ng maybahay ni Cong. Arthur Robes na si Rida Robes na magkakaroon ng fun run bukas ng mga bading sa may San Jose del Monte, Bulacan na tinawag nilang Takbo na Teh!
Ang maganda pa nito, dapat naka-headdress sila dahil merong special award ang may pinaka-bonggang headdress.
Isa lamang ito sa mga proyekto ni Mrs. Rida para sa advocacy nila sa kanilang lalawigan na Kalusugan, Kalikasan, at Katauhan.
PAK: Ipinagkibit-balikat na lamang ni Bea Binene ang mga paninira laban sa kanya na kesyo meron na siyang kinakasama at merong DOM (dirty old man) na nag-aalaga sa kanya.
Napakabata pa niya na isangkot sa ganung intriga pero apektado rin siya dahil ang sobrang nasasaktan ay ang mommy niya.
“Hindi ko iniiyakan ang intrigang ganyan. Naiiyak lang po ako dahil sa mommy ko na umiiyak kapag may nababasa siyang ganung intriga,” pahayag ng young actress.
Mas ipo-focus na lang niya sa career niya at pinaghahandaan na ang nalalapit niyang album launch na Hey It’s Me Bea sa Linggo sa may SM Skydome sa North EDSA, Quezon City.
BOOM: Hindi na nga itutuloy ni Alma Moreno ang balak niyang pagtakbo bilang senador sa darating na eleksiyon dahil sa kanyang karamdaman.
Bumalik ang matagal na niyang sakit na multiple sclerosis na hindi pa niya alam kung paano ito gamutin.
Pero sa ngayon ay nagpapa-stem cell therapy siya sa isang clinic sa Quezon City at umaasang makakatulong ito para gumaling sa kanyang sakit.
Mas gusto naman ng mga anak niyang mag-concentrate na muna si Alma sa pagpapagamot dahil iyon naman ang mahalaga sa kanila.
Maaaring dala ng sobrang stress kaya bumalik itong sakit ni Alma kaya mabuting magpahinga na muna siya at ituloy ang pagpapagamot.
- Latest