Amorosa naka-P11 million, mas kumita sa I Do.

SEEN: Masipag ang netizens sa paghahanap ng mga speech na kinopya­ ng speech writer ni Sen. Tito Sotto. Nakahanap sila ng lumang speech ni Senator Robert Kennedy na isinalin sa Tagalog ng speech writer ni Sen. Sotto.

SCENE: No comment si Kris Aquino sa akusasyon na plagiarist si Sen. Tito Sotto dahil kaibigan niya ang pamilya Sotto.

SEEN: Mabibili sa My Music na online record store ang soundtrack ng I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila. Twenty-five pesos ang presyo ng bawat kanta sa 20-track album ng I Do Bidoo Bidoo.

SCENE: Ngayon ang huling gabi ng Makapi­ling Kang Muli ng GMA 7.

Ipapalit sa timeslot ng magtatapos na teleserye ni Richard Gutierrez ang Aso ni San Roque.

SEEN: Ang staff ni Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ang nagbibigay ng mga update sa Twitter account (@gmarroyo) ng dating pangulo.

SCENE: Magtatambal sa Mariposa sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza.

Ang Mariposa ang bagong fantaserye ng GMA 7.

SCENE: Ang report ng Box Office Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong Aug. 29 hanggang Sept. 2.

Mas mataas ang box-office gross ng Amorosa ng Skylight Films kesa I Do Bidoo Bidoo ng Unitel Productions.

Show comments