Controversial celebrity na kinansela ang show sa abroad, nagkasakit sa sariling kagagawan
May nagkuwento sa akin sa tunay na nangyari kaya nakansela ang show ng controversial celebrity sa isang bansa na malapit lang sa Pilipinas.
Hindi natuloy ang show ng celebrity dahil nagkasakit ito pero siya rin ang may kagagawan. Sa madaling-salita, self-inflicted ang karamdaman ng celebrity at resulta ito ng sobrang pagmamahal niya sa isang nilalang na lumayo sa kanya.
Inatake ng depression ang celebrity as in hindi siya makapag-perform kaya nagdesisyon ang produ ng kanyang show na huwag itong ituloy.
Masalimuot ang kuwento dahil naloka ang lahat sa nangyari. ’Yun lang!
Dahil sa kapayatan, Ronald Singson matamlay ang hitsura
Mga bisita kahapon sa Kris TV sina James Blanco, former Congressman Ronald Singson, at QC Councilor Alfred Vargas.
Nagpakitang-gilas si Alfred dahil nagluto siya sa morning show ni Kris Aquino. Malaking challenge ang ginawa ni Alfred dahil hindi naman ito sanay na magluto pero siyempre sarap na sarap sa kanyang recipe ang misis niya na si Yasmine.
May mga nagulat sa hitsura ni Ronald dahil malaki ang kanyang ipinayat. Masyado ba raw dinibdib ni Papa Ronald ang break up nila ni Lovi Poe? Ang magdagdag ng konting timbang ang suggestion kay Papa Ronald para hindi matamlay ang hitsura niya sa paningin ng mga tao.
Ipinagtapat naman ni James na 22 years old siya nang lumagay sa tahimik at 10 years na silang kasal ng kanyang non showbiz wife. Pareho ang paniniwala nina James at Alfred na big factor ang matagal at forever na pagsasama ng mag-asawa kung hindi artista ang kanilang mga misis.
Totoo naman ang paniniwala ng dalawa pero maraming showbiz couple ang tagumpay ang pagsasama like Susan Roces and Fernando Poe, Jr.; Lorna Tolentino at Rudy Fernandez; Sen. Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado; Christopher de Leon at Sandy Andolong; Rep. Lucy Torres at Richard Gomez. I’m sure, meron pang iba na nalimutan ko lang ang mga pangalan.
Gladys at Christopher kinaiinggitan din ang pagsasama
Isama na natin sa listahan sina Gladys Reyes at Christopher Roxas na more than 17 years na ang relasyon kung isasama sa kuwenta ang boyfriend-girlfriend relationship nila noon.
Mga bagets pa sina Gladys at Christopher nang magsimula ang kanilang love affair sa set ng Mara Clara. Si Gladys ang first girlfriend ni Christopher at ito naman ang unang boyfriend ng kanyang misis.
Dumaan sa mga pagsubok ang pagsasama ng dalawa pero lalong tumatag ang kanilang relasyon kaya kinaiinggitan sila ng mga kaibigan nila na hindi na-survive ang husband-and-wife relationship.
Jolo binasbasan na ng magulang na mag-bise gobernador
Kumpirmado ang pagkandidato ni Jolo Revilla bilang vice governor ng lalawigan ng Cavite sa susunod na taon.
Ang pagtulong sa mga kababayan sa Cavite ang priority ni Jolo kaya hindi siya masyadong active sa showbiz.
Marami ang sumusuporta sa kanyang plano na pagkandidato dahil napatunayan nila na qualified siya.
May basbas nina Bong at Lani ang pagpasok sa pulitika ng kanilang 24-year-old son. Nakita ng mag-asawa na seryoso si Jolo na maglingkod sa kanilang probinsiya. Hindi ko na iisa-isahin ang mga project ni Jolo sa Bacoor, Cavite. Ipapaubaya ko sa mga kababayan niya ang pagkukuwento tungkol sa kasipagan niya bilang barangay captain.
- Latest