69 years old na rin... Gustong mapangasawa ni Kris Aquno may misis at tatlong anak na!
MANILA, Philippines - May asawa at tatlong anak naman pala ang gustong pakasalan ni Kris Aquino na si Kazuo Okada, isang Japanese billionaire, ayon sa Forbes.com.
May edad na rin ito, 69 years old at may tatlong anak ayon pa sa nasabing artikulo sa Internet.
Isa itong hapon at nakatira sa Hong Kong. At ang source of wealth niya : Gaming, Self-made.
Sa Forbes Lists, no. 719 Billionaire siya at no. 17 sa Japan. As of March 2012, merong $1.8 Billions si Mr. Okada.
Nagkaroon lang ng idea si Kris tungkol kay Mr. Okada dahil sa nabasa sa The Philippine Star (Business Section, na lumabas noong August 28) na ABS-CBN Theme Parks and Resort Holding Inc. na itatayo sa Entertainment City na may initial capital na P270 million. Isa si Okada sa four investor groups na nabigyan ng lisensiya na mag-operate ng casino sa Philippine Amusement & Gaming Corp. sa Entertainment City sa Pasay City.
“Ayun, eto ‘yung Japanese billionaire. Chiz, ito na ‘yung mapapangasawa ko. Sa ABS ko siya makikilala. Eto o, Kazuo Okada” sabi niya sa co-host na si Sen. Chiz Escudero.
Pero hindi pa raw niya nakikita ang hitsura nito pero sure raw siyang makakasalubong niya ito sa ABS-CBN at magkakaroon pa raw siya ng sariling theme park.
“I’m going to have a theme park. Krissy Land. Yey!” sabi niya na nagbibiro.
Obviously hindi pa nga kilala ni Kris ang gusto niyang mapangasawa. Biro lang naman pero kahit na. Napapanood kaya siya ng marami.
ABS-CBN magtatayo ng sariling theme park
Nauna nang nagsabi si Kris sa kanyang programa na makakapag-asawa siya ng mayamang foreigner na ang akala niya ay si Mr. Okada.
Anyway, hinuhulaang sa pagpasok ng ABS-CBN Theme Parks & Resort Holdings Inc., ay sinusundan na nito ang footsteps ng mga higanteng media group tulad ng Walt Disney Co., NBC Universal, and Viacom.
Derek Ramsay kulay pink ang suot na swatch
May collection si Derek Ramsay ng latest at sikat na Swatch Chrono Plastic Collection. At iba’t ibang kulay na isang paraan para i-express ang kanyang different moods and complement his different activities.
Suot ni Derek sa kanyang pictorial ang pink version ng chrono plastic.
Mukhang ito na nga ang confirmation na kulay rosas na ang paligid ni Derek dahil sa isang babaeng non showbiz na nagpapasaya ng kanyang buhay.
Pinag-uusapan na ang girlfriend ni Derek pero ayaw daw nitong gaanong magpakita sa showbiz.
Ilang Swatch na kaya ang naibigay ni Derek sa bago niyang girl?
Maitanong nga kay Tita Virgie Ramos.
Ang gaganda pa naman ng mga kulay ng Swatch Chrono Plastic Collection. Makukulay na bagay sa mga babae at mga guwapong tulad ni Derek na any moment ay mag-uumpisa na sa Totoy Bato, ang kanyang unang serye sa TV5 at tapos na rin niyang gawin ang Pinoy Amazing Race at hinihintay na lang niya kung kalian ito eere.
Nagso-shooting na rin sila nina Anne Curtis at Andi Eigenmann para sa pelikula nilang super daring at malamang ay simulan din niya ang project with Marian Rivera.
Samantala, mas dumarami pa ang fan na nag-aabang ng mga bagong labas ng Swatch na ang latest nga ay ang mga suot ni Derek na because it’s Swatch…it’s Swiss made and fun!
Bagong tattoo ni billy gawa nang sikat na artist sa Europe
Speaking of Swatch ambassador, magkakaroon sila ng three spectacular tattoo-inspired Swatches. Ito ay in collaboration sa French tattoo artist na si Tin-Tin, kilalang tattoo artist sa Europe who does the tattoo prints of high-end designers like John Paul Gautlier.
At ang suwerte, sa recent trip ni Billy Crawford, 2-month trip sa France, Swatch Ambassador had his latest pride and joy – dragon tattoo biting his microphone – done by Tin-Tin who has added to his existing inks.
So sa mga may tattoo at sa mga wala pang lakas ng loob na magkaroon ng burda sa katawan, meron na kayong chance na magkaroon ng Tin-Tin tattoo sa inyong wrist and because it’s Swatch..it’s Swiss made and waterproof too!
Wow. Bongga ‘to.
Anyway, maganda ang katawan ngayon ni Billy kesa noong nagkalaman siya.
MMK, Tv Patrol, at DZMM, kinilalang finalist sa 2012 ABU prizes
Kinilala bilang natatanging finalists mula sa Pilipinas ang drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya, primetime newscast na TV Patrol, at AM radio station DZMM sa prestihiyosong Asia Pacific Broadcasting Union (ABU) Prizes 2012 kabilang na ang kategoryang Jury Prizes sa parehong radyo at telebisyon.
Sa 166 TV at 76 radio entries mula sa 18 bansa at 25 organisasyon, nakakuha ang ABS-CBN ng limang nominasyon sa limang magkakaibang kategorya at siya ring natatanging Philippine TV Network na kumakatawan sa naturang award-giving body na layuning itaguyod ang husay sa pamamahayag.
Makakatunggali ng MMK episode na T-Shirt ang mga entry mula Bhutan, Vietnam, Indonesia, Mongolia, at Sri Lanka para sa Television Special Jury Prize category habang kakalabanin naman ng DZMM Silveradyo Station ID ang mga entry mula Bangladesh, Indonesia, Vietnam, at Bhutan para naman sa Radio Special Jury Prize category.
Nakakuha muli ng finalist spot ang DZMM Silveradyo Station ID para sa kategoryang Jingles/Promos/Station ID’s at isa pang nominasyon sa kategoryang Radio News Reporting para sa coverage ng programang Radyo Patrol Balita Alas-Dose sa bagyong Pedring.
Samantala, hindi naman nagpahuli ang TV Patrol pagdating sa pagbabalita sa telebisyon matapos itong pangalanang finalist sa kategoryang Television News Reporting para sa espesyal na coverage nito sa bagyong Sendong.
Paparangalan ang mga magwawagi sa awarding ceremony na gagawin sa Oktubre 16 habang idinadaos ng union ang kanilang general assembly sa Seoul, South Korea.
- Latest