^

PSN Showbiz

Hilda bumalik ng 'Pinas para lang manlait

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Pitong taong hindi naging aktibo ang aktres na si Hilda Koronel sa industriya dahil namalagi siya sa ibang bansa kasama ng kanyang pamilya. Ngayon ay kasama ang nagbabalikbayang aktres sa pelikulang The Mistress na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo mula sa Star Cinema at mapapanood na simula sa Sept. 12.

Paano nga ba napapayag ang aktres na mu­ling gumawa ng isang proyekto?

“It has to be touching, it has to move me. Kapag binabasa ko ’yung script na ’yan, kailangang nararamdaman ko ’yung emotion na tumatakbo roon sa script lalo na ’yung mga dialogue. Kailangan habang sinasabi ko ’yun maiiyak ba ako o hindi, something like that, nararamdaman ko dapat.

“Maganda siya (The Mistress), you have to see the lines. Marami riyan ginagaya na ng mga tao. ‘Tagalog ’yan para maintindihan mo.’ Nanla­lait na naman ako rito,” natatawang pahayag ni Hilda. “It was because of Direk Olive­ (Lamasan). It was because of Star Cinema. And then the script was really beautiful. I have John Lloyd (Cruz) and Bea (Alonzo), and Ronaldo (Valdez) who I worked with before na matagal na and it was every­thing else na rin.”

Sa muling paggawa ni Hilda ng pelikula ay nakaramdam ng kaba ang beteranang aktres.

“Yeah, meron. Kahit ganito ka na katagal merong ‘Ummm okay, I hope magawa ko ito ng maayos talaga.’ Because ang expectations ng lahat is just so high right? So I just did the best I could so hopefully magandang lumabas,” pagtatapat ni Hilda.

Kahit nakasama na ng aktres noon sa isang teleserye sina John Lloyd at Bea ay ito naman ang unang pagkakataon na nagkasama sila sa isang pelikula.

Binaca inaaliw na lang ang sarili pagkatapos ng hiwala­yan nila ni John Prats

Ilang buwan na ring magkahiwalay ang dating magkasintahan na sina Bianca Manalo at John Prats. Ngayon ay walang problema kay Bianca kung sakali mang magkitang muli sila ni John.

“Okay naman. Marami rin naman kaming magandang pinagsamahan together, masasayang memories. Tingnan natin, ayokong pangunahan, kung ano na lang ang mangyari. I’ll just go with the flow,” bungad ni Bianca.

Nilinaw din ng dalaga na walang kinalaman sa hiwalayan nila ng aktor ang pagpapa­gupit ng kanyang mahabang buhok.

“Kahit itanong n’yo pa kay John. Noong kami pa alam niya na ika-cut ’yung hair ko by August. Kung tungkol sa breakup sana four months ago ko pa ginawa. It’s part of my contract for an endorsement. At first masakit sa akin i-let go kasi lampas belly button hair ko, pero bumagay naman,” paliwanag ng aktres.

Kahit nagkahiwalay na ang dalawa ay masaya naman ngayon ang dalaga kahit wala siyang karelasyon.

“Masaya na siya, masaya na ako. Masaya na kami sa bawat ginagawa namin. ’Yun ang mahalaga. I am enjoying the company of my friends and fa­mily. I’m trying to enjoy all by myself and I want to focus on my career for now,” giit pa ni Bianca. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                   

BEA

BEA ALONZO

BIANCA

HILDA

JOHN LLOYD

JOHN PRATS

KAHIT

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with