’Katuwa ang kuwento ni Direk Jun Lana kay Princess, ang aso na kasama ni Eddie Garcia sa pelikulang Bwakaw at sa primetime soap ng GMA 7 na Aso ni San Roque. Mahirap daw idirek si Princess dahil ’pag ayaw nang umarte, walang makakapilit, natutulog ito at kailangan nilang hintaying magising at ganahang mag-shooting uli.
Heto pa, ayaw nito ng take two, naiimbiyerna, kaya karamihan sa eksena sa Bwakaw ay take one. In fairness sa doggie, tinapos nito ang 10-day shoot ng pelikula na may commercial run starting Sept. 5 at ang Star Cinema ang distributor.
Kuwento naman ng handler ni Princess, ganadong mag-taping sa Aso ni San Roque ang aso pero ’pag pagod na, matutulog muna bago mag-take uli. May cut off ang aso na minsan, hindi nasusunod kaya puyat din ang handler nito.
Sa Sept. 10 naman ang pilot ng Aso ni San Roque, month ni Princess ang September. Bongga! May soap at may movie pa.
Nora, pinanood ang acting ni Eugene Domingo
Nanood na ng Bona si Nora Aunor last Saturday bago ito umalis para dumalo sa Venice International Film Festival dahil gustong mapanood sina Eugene Domingo at Edgar Allan Guzman na gumaganap na Bona at Gino Sanchez, respectively. Friends sila ni Uge at anak-anakan ang turing nito kay Edgar Allan.
Ngayong Martes ang alis nina Guy, Mercedes Cabral, at Direk Brillante Mendoza to attend the filfest dahil in competition ang movie nilang Thy Womb. Hindi makakasama si Bembol Roco at si Lovi Poe ay manggagaling ng Japan at dederetso na sa Venice. Sa Sept. 10, ang balik ng grupo.
For tickets for the last night of Bona performance, text or call 0917-8390768/ 0920-5340102. Sa performance naman for Sept. 14 and 15 na produced ni Rams David, available ang ticket sa Ticketworld o call 0917-5816288.
Derrick bibida sa TGIS
Tuloy pa rin ang tambalan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio kahit magtapos na ang Luna Blanca dahil kung hindi uli mapapalitan, silang dalawa muli ang magtatambal sa bagong show ng GMA 7 na Mariposa.
Ano kaya ang nangyari dahil ang unang balita, si Joshua Dionisio ang kapareha ni Barbie sa Mariposa at balik-tambalan nila ito dapat, pero ang latest, si Derrick na ang makakatambal ni Barbie.
Si Kristoffer Martin kasama sa Haram nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla at nasa cast ng horror films ng GMA Films at Reality Entertainment na Basement.
Si Bea Binene nama’y muling ipapareha kay Jake Vargas sa morning soap bago ang Kusina Master ni Chef Boy Logro at Eat…Bulaga. Eight weeks lang ang airing ng soap na hindi pa namin batid ang title.
Pero sa apat, si Derrick ang pinaka-masuwerte dahil bukod sa Mariposa, siya rin ang bida sa remake ng T.G.I.S., siya ang poste at siya lang sa tween stars ng GMA 7 ang kasama dahil the rest ay bago. Nagpa-audition na ang network para rito at si Mark Reyes pa rin ang direktor.
Dahil sa kasamaan ni Agot, One True love mas inaabangan
Ang galing ni Agot Isidro bilang si Leila sa One True Love at pati pagbitaw ng linya at isa siya sa inaabangan ng viewers sa soap. Isa rin yata sa mga rason sa pagka-extend ng soap ang kasamaan ng aktres. Malalaman na ni Carlos (Raymond Bagatsing) na siya ang utak nang tangkang pagpatay kay Mayor Henry (Bembol Roco), maganda sana kung personal ang confrontation nila at hindi sa telepono.