Nakalagay sa kanyang kontrata Kris hindi puwedeng mag-asawa ng pulitiko

Sinabi ni Kris Aquino sa kanyang pang-umagang programa sa TV na hindi siya tatakbo sa 2013 at para hindi mailagay sa alanganin ang mga producer na kukuha ng kanyang serbisyo at talagang pipirma siya ng kontrata na nakasaad na hindi siya papasok ng pulitika sa mga panahong ito. Kasama rin sa pinirmahan niya na hindi siya maaaring mag-asawa ng isang pulitiko rin.

Isang mariing hindi ang sagot ng presidential sis­ter sa tanong kung lalahok siya sa eleksiyon sa susunod na taon. Sakop lamang ng sagot niya ang eleksiyon sa 2013. Ibang bagay na ang susunod pang eleksiyon.

Going back to Kris TV, in fairness to the Queen of all Media, nagagawa niyang interesting ang kanyang mga interview. Also, to her credit napipiga niya ng impormasyon ang kanyang mga nakakausap nang hindi sila nalalagay din sa alanganin at lalong hindi sila nababastos.

Dahil kay Sam Concepcion, Jasmine Smith sa ’Pinas na titira

Sana, mutual ’yung nararamdaman ni Jasmine Curtis Smith, kapatid ng Kapamilyang si Anne at isa sa itinuturing na prinsesa ng TV5 kay Sam Concepcion. Aftter all, walang nababalitaang girlfriend si Sam na inili-link ng marami sa kanyang leading lady sa I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila na si Tippy Dos Santos. Maganda ang chemistry nila at complementing ang looks nila.

Sinasabing nag-decide si little sister na rito na ipag­patuloy ang kanyang studies para hindi naiiwan ng matagal na nakabinbin ang kanyang career at dahil din sa namumuong relasyon nila ni Sam. Ba­ga­ma’t imposibleng magsama sila sa isang proyekto dahil magkalabang mortal ang kinabibilangan nilang network, marami namang ways para sila maging close. Meron silang common person na magagamit na link, tulad ni Anne.

PLDT may sariling filmfest na rin

Isa pang karagdagang film festival ang nilikha para maitaguyod ang industriya ng pelikula at mai­pa­kitang muli ang talento ng maraming Pinoy sa pag­gawa ng pelikula.

Tinawag na CineFilipino Film Festival (CFFF) na ang pamamatnugit ay ipinagkatiwala sa isang binuong festival committee na kinabibilangan nina Vicente Nebrida ng Unitel Production at Baby Santos ng PLDT. Ang mga kumpanyang kinakatawan nila kasama ang Media Quest at Studio 5 ang magtataguyod ng CFFF na magtatampok ng mga pelikulang gawa ng mga baguhan at kilalang filmmakers.

May dalawang kategorya ang CFFF, ang Feature-Length Filmmakers Section na bukas sa mga baguhan at kilala nang gumagawa ng pelikula. Binigyan sila ng deadline hanggang Oct. 8. Ang ikalawang kategorya, ang Short Filmmakers Section ay talagang para sa mga student filmmaker lamang. Sampung mag-aaral lamang ang kukunin na kailangang tapusin ang kabilang short films between Sept. 23 at Dec. 1.

Walong script naman ang pipiliin sa unang kategorya at bawat iisa ay tatanggap ng tig-P1.5 M na magagamit nila sa paggawa ng kanilang entry. Para sa ibang detalye, mag-email sa info@cinefilipini.com. Maaari rin nilang dalhin ng personal ang kanilang script sa opisina ng CFFF sa 1196 Pablo Ocampo Ext. cr. Zapote Sts., Makati City.

Manager ni Michael biglang nai-insecure

Mukhang tila na-insecure ang manager ni Mi­chael Pangilinan, isang sumi­sikat na singer na unang nakilala namin sa tulong ng kapatid sa hanapbuhay na si Jobert Sucaldito. Never sinabi ni Jobert na alaga niya ang 16 na taong gulang pero palagi ko itong nakikita sa programa niya sa radyo at sa mga raket niya kasama rin ito. Siya rin ang nagpapakilala rito sa press.

’Yun pala may manager si Michael pero bakit kung hindi dahil kay Jobert ay hindi ito mai-expose at magkakaroon ng trabaho? Bakit hindi siya ang nagpakilala sa amin sa singer at kay German Moreno na instrumental para siya makabilang sa Party Pilipinas?

Show comments