’Yung Luna Awards ang dapat pagsumikapan ng mga kabilang sa industriya ng pelikula na mapaganda dahil sa kanila ito, industry awards ito. Marami ang disappointed, kasama na ako sa pinakahuling pagbibigay nito ng awards o pagkilala. Bukod sa hindi ito napanood ng marami sa aktuwal na pagdaraos nito ng awards ay wala pa rin itong TV coverage.
Ang daming paraan para makahanap ng produ para rito. O kaya sila-sila na lang ang magprodyus. Para sa panggastos, puwedeng magsagawa ng fund-raiser. Kailangan lamang ng mamumuno para rito. Huwag nang magkanya-kanya ang mga nasa likod ng industriya. Kailangan natin ng pagkakaisa.
Rufa Mae at Boy 2 tuluyan nang naghiwalay
Sa kabila ng pamimilit ni Rufa Mae Quinto na samahan siyang lumipat ni Boy 2 Quizon sa TV5 nung matapos ang kontrata nito sa Kapuso Network, nagdesisyon na lang ito (Boy 2) na manatili pa sa GMA 7. Pumirma itong muli ng kontrata.
Kapuri-puri ang pagiging loyal nito sa GMA at sana mabiyayaan ang loyalty niya. Nagpalit nga pala siya ng pangalan bilang bahagi ng plano niyang pagbabago. Makikilala siya sa bago niyang pangalang Dos Quizon.
Jennylyn at Patrick pinag-aaway pa rin
Kahit magkaibigan nang muli sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, marami pa rin ang nagtatangkang intrigahin sila. Tulad ng pagpapalabas ng balita na nabuntis nito ang bago niyang girlfriend na pinabulaanan naman ni Patrick. Ang pagsasabing pinagseselosan ni Jennylyn ang girlfriend nito kahit may Luis Manzano na raw ito.
Obviously, may gustong pag-awayin ang dalawa. Huwag naman dahil baka maapektuhan pa ang anak nila.