^

PSN Showbiz

Luna Awards napapabayaan na!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

’Yung Luna Awards ang dapat pagsumikapan ng mga kabilang sa industriya ng pelikula na mapaganda dahil sa kanila ito, industry awards ito. Marami ang disappointed, kasama na ako sa pinakahuling pagbibigay nito ng awards o pagkilala. Bukod sa hindi ito napanood ng marami sa aktuwal na pagdaraos nito ng awards ay wala pa rin itong TV coverage.

Ang daming paraan para makahanap ng produ para rito. O kaya sila-sila na lang ang magprodyus. Para sa panggastos, puwedeng magsagawa ng fund-raiser. Kailangan lamang ng mamumuno para rito. Huwag nang magkanya-kanya ang mga nasa likod ng industriya. Kailangan natin ng pagkakaisa.

Rufa Mae at Boy 2 tuluyan nang naghiwalay

Sa kabila ng pamimilit ni Rufa Mae Quinto na samahan siyang lumipat ni Boy 2 Quizon sa TV5 nung matapos ang kontrata nito sa Kapuso Network, nagdesisyon na lang ito (Boy 2) na manatili pa sa GMA 7. Pumirma itong muli ng kontrata.

Kapuri-puri ang pagiging loyal nito sa GMA at sana mabiyayaan ang loyalty niya. Nagpalit nga pala siya ng pangalan bilang bahagi ng plano niyang pagbabago. Makikilala siya sa bago niyang pangalang Dos Quizon.

Jennylyn at Patrick pinag-aaway pa rin

Kahit magkaibigan nang muli sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, marami pa rin ang nagtatangkang intrigahin sila. Tulad ng pagpapa­labas ng balita na nabuntis nito ang bago niyang girlfriend na pinabulaanan naman ni Patrick. Ang pagsasabing pinagseselosan ni Jennylyn ang girlfriend nito kahit may Luis Manzano na raw ito.

Obviously, may gustong pag-awayin ang dalawa. Huwag naman dahil baka maapektuhan pa ang anak nila.

DOS QUIZON

HUWAG

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAILANGAN

KAPUSO NETWORK

LUIS MANZANO

PATRICK GARCIA

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with