^

PSN Showbiz

Anak ni Sec. Robredo malabong mag-showbiz

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Malabo palang mag-showbiz ang anak ng nasirang si DILG Secretary Jesse Robredo na si Jillian. Ayon sa interview ni Ms. Ces Drilon (na umere sa TV Patrol) sa kapatid ni Jillian na si Aika, malabong payagan ng kanyang nanay na si Atty. Leni Robredo ang kapatid na sumabak sa showbiz “Sabi nga ni Kris (Aquino) okay kung papayagan siya, eh hindi ‘yun papayagan ng nanay ko, ‘yun yung crucial na factor doon,” sabi ng panganay ni dating DILG secretary na ngayon ay kilalang-kilala ng marami after na hindi makaligtas sa plane crash ang kanyang ama.

Nagsabi si Jillian Robredo na gusto niyang mag-artista at mag-ala Kris Aquino. Nagpahayag naman si Kris na gusto niyang i-manage ang bagets.

GMA 7 puwedeng kumuha ng mga script sa palanca

Tanong lang : Bakit kaya puro revival ang mga bagong programa ng GMA7? Naunang ipalabas kahapon ang Sana Ay Ikaw Na Nga na pinagbibidahan nina Mikael Daez at Andrea Torres na unang pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia. Susunod ang Coffee Prince na balitang pagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Ang Pepito Manaloto ay ibabalik din.

Naalala ko lang dahil lumabas na ang mga nanalo sa Carlos Palanca Awards. Bakit kaya hindi sila mamili ng mga script sa mga nanalo o sa mga obra na mga hindi napili? Sayang kasi.

Baka lang kasi kinakapos sila ng mga bagong kuwento.

Nambiting judge sa kaso ni Mo Twister, pinagbabayad ng Supreme court

Pinagbabayad pala ng Supreme Court (SC) si Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Santiago Arenas ng multang nagkakahalaga ng P5,000 (ang liit lang pala) at pinaalalahanang maging mas maalam sa pagganap ng kanyang mga tungkulin.

Ito ay dahil sa complaint-affidavit na isinampa sa Korte Suprema ni GMA Network VP for Legal Affairs lawyer Ma. Luz P. Delfin noong July 29, 2011 na nagreklamo/nagparatang kay Arenas ng gross inefficiency at undue delay sa pagpapasya sa kasong sibil na isinampa ng GMA laban kay Mohan Gumatay a.k.a. “Mo Twister” at Associated Broadcast Company (ABC5).

Naisampa ang kaso ng GMA noong May 25, 2010 at na-raffle ito sa Quezon City RTC Branch 217. Hinihiling ng GMA sa korte ang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) o ng writ of preliminary injunction upang tigilan ang paglabas ni Gumatay sa ABC5.

Pumirma si Gumatay ng exclusive contract sa GMA noong May 4, 2009 na nagbibigay sa GMA ng eksklusibong karapatan na i-renew ang nasabing kontrata. Ni-renew ng GMA ang kontrata ni Gumatay at tinanggihan ang kahilingan nitong makawala sa kontrata. Gayunpaman, tinanggap pa rin ni Gumatay ang alok ng ABC5 na lumabas sa kanilang mga programa.

 Hindi pinagbigyan ni Arenas ang kahilingan ng GMA na mag-isyu ng TRO, at sa halip ay nagpalabas ito ng Order noong December 10, 2010 na nagtatakda ng hearing upang dinggin ang pagpapalabas ng writ of preliminary injunction.

Bilang tugon sa December 10, 2010 Order, nag-file ang GMA ng Motion for Voluntary Inhibition noong January 24, 2011 laban sa presiding judge, at kinatwirang nakapagpasya na si Arenas hinggil sa reklamo nito laban kay Gumatay at sa ABC5.

Ayon kay Delfin, malinaw na binalewala ni Arenas ang posisyon ng GMA na mayroong live at subsisting contract si Gumatay sa nasabing broadcast company dahil sa eksklusibong karapatan ng GMA na i-renew ang Talent Agreement ni Gumatay  kung kaya’t nararapat lamang na mabigyan ito ng hinihiling na TRO o preliminary injunction.

Ayon sa reklamo ni Delfin, Arenas “has been deliberately sitting on its Motion for Voluntary Inhibition for more than four months since the filing of ABC5’s Rejoinder dated March 16, 2011.” Sinabi rin ni Delfin na nagdulot ng pinsala sa GMA ang sadyang hindi pagkilos ni Arenas sa kaso nito laban kay Gumatay at sa ABC5.

Tinanggap ng SC ang rekomendasyon ng Office of the Court Administrator sa kaso ni Arenas.  Ayon sa January 25, 2012 Report nina Court Administrator Jose Midas Marquez at OCA Chief of Office Wilhelmina Geronga, hindi makatwiran ang pagka-antala ni Arenas sa pagresolba ng Motion for Voluntary Inhibition. Ang nasabing motion ay dapat napagpasyahan na sa loob ng 90 araw mula nang ituring itong submitted for resolution noong April 26, 2011 alinsunod sa Article VIII, Section 15 ng Konstitusyon. Ang labis na pagkakaantala ni Arenas na pagpasyahan ang nasabing motion for inhibition ay paglabag umano sa nasabing batas.

So ito pala ang rason kaya walang nangyari noon sa paghahabol ng GMA 7 kay Mo.

Eh ngayon wala nang career si Mo. Nasa America na siya at habulin man siya ngayon. Wala nang mapapala.

Malabo na marahil siyang bumalik ng bansa dahil oras na bumalik siya, baka nasa airport pa lang siya sinasalubong na ng mga demanda.

ALJUR ABRENICA

ANDREA TORRES

ARENAS

AYON

DELFIN

GMA

GUMATAY

MO TWISTER

VOLUNTARY INHIBITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with