Hindi na si Alessandra de Rossi ang gaganap sa role ni Heidi sa Pinoy adaptation ng Korean novela na Temptation of Wife.
Hindi tinanggap ni Alex ang project dahil sa kissing scenes na gagawin nila ni Dennis Trillo.
Si Glaiza de Castro ang ipinalit ng GMA 7 kay Alex at ibig sabihin, ready na sa kissing scenes at sobrang pagka-kontrabida ang aktres. Ang sama-sama ng karakter ni Heidi at tiyak na magagalit sa kanya ang viewers.
May series of tweets si Alex sa pagba-back out niya sa Temptation of Wife: “I’m so general patronage huhuhu…and I’m sorry na ganito ako huhuhu!
“Sana lang tama ’yung mga desisyon ko sa buhay.
“I know what I don’t want, pero ‘di ko alam kung ano ang gusto ko.
“Hindi naman kasi ako binigyan ng option.”
Nabalita noon na kasama si Glaiza sa cast ng Haram nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla na mas mauunang mag-taping. Hindi kaya pagpalitin sila ni Glaiza?
John Lloyd tanggap na ang lahat ng mga kabit
Sabi ni Direk Olive Lamasan sa presscon ng The Mistress, masaya siyang gumigising at masayang nagtatrabaho dahil sa cast ng Star Cinema movie na showing sa Sept. 12. Nabanggit din nitong based sa story ng mistress ng isang prominent personality na kanyang na-interview ang karakter ni Bea Alonzo.
Hindi ini-expect ni Bea na ganun katapang ang karakter niya at natakot siya noong una pero gusto niyang gawin dahil gustong ma-challenge sa first time niyang pagganap sa role ng isang kabit.
“Kung sa ibang tao at ibang situation, hindi ko masasabi kung maiintindihan ko, but after doing this movie, naiintindihan ko ang mga mistress,” sabi ni John Lloyd Cruz.
Aprubado ng censorship board ang title na The Mistress at aminado ang direktor na hindi niya feel noong una dahil matapang pero wala silang mahanap na babagay na title sa movie, kaya ginamit na rin.
“They have to watch the film in its entirety to appreciate the story. It’s a serious love story,” sabi ni Direk Olive.
Dingdong kinakampanya ang horror film sa mga eskuwelahan
Sa interview kay Dingdong Dantes, nabanggit nitong kasama sa promo ng Tiktik (The Aswang Chronicles) ang school tour dahil naniniwalang malaking bulto ng moviegoers ang students lalo na sa kanilang pelikula na gumamit ng makabagong teknolohiya sa paggawa ng pelikula.
This Monday na ang simula ng school tour sa Adamson University at bukod sa ilang cast, darating din ang graphic director ng pelikula para sagutin ang tanong ng students tungkol sa pelikula. May mga susunod pang schedule, wait lang kayo!