Nag-panic si Ruffa Gutierrez nang lumindol ng malakas last Friday dahil nasa Cebu ang inang si Annabelle Rama at nasa Boracay ang tatlo sa kapatid niyang lalake kabilang si Richard Gutierrez na kasama si Sarah Lahbati.
Pero wala namang mga nabalitang biktima ang lindol kaya nawala na ang kanyang pag-aalala.
Samantala, pinatawa kami ni Ruffa sa mga pahayag nang ma-interview para sa Enchanted Garden ng TV5. Nagpaturo ito kay BB Gandanghari kung paano madi-distinguish ang closeta sa confused? Ang sagot ni BB ay kung mas priority ng guys ang friends kesa GF, ‘yon na ‘yun!
Sa announcement na may madadagdag na hunk sa cast, si Derek Ramsay ang request ng press para ipareha kay Ruffa dahil na-link sila. Pero sabi nito wala silang relasyon ng aktor at “invisible lover” ang tawag niya kay Derek.
“He’s A-lister, he’s hot and he comes from a good family, pero tinutukso lang kami. Nothing is going on between us at tinawanan lang namin ang tsismis,” sabi ni Ruffa.
Lovi magiging barrowed wife naman
Tunog controversial at sexy ang bagong soap ni Lovi Poe sa GMA 7 na The Borrowed Wife na ipapalit daw sa Hindi Ka Na Mag-iisa nina Jennylyn Mercado at Sid Lucero. In fact, ang director nitong si Gil Tejada rin ang director ng soap ni Lovi. Nag-pictorial na last Friday si Lovi at sa nakita naming picture na na-post sa Twitter, may pagka-sexy ang pose niya, pero love story daw ang The Borrowed Wife. Si Rocco Nacino pa lang ang alam naming kasama sa cast ni Lovi at ang actor ang leading man niya.
Balanse ang project ni Lovi dahil sa TV nagda-drama siya at madalas namang horror ang movies na ginagawa. Next movie niya ang Tiktik (The Aswang Chronicles) nila ni Dingdong Dantes na showing sa October 17.
Jay Perillo wini-wish makasama si Gretchen sa PP
First movie ni Jay Perillo ang Of All The Things bilang love interest ni Nikki Bacolod. Kahit support lang, biggest achievement para sa singer/actor dahil kasama ang idol na si Regine Velasquez, may Aga Muhlach pa at Joyce Bernal.
Doble ang saya ni Jay dahil bukod sa Viva Films movie na showing sa September 26, happy din ang love life niya sa piling ng GF na si Gretchen Espina na six months na niyang karelasyon. Malaking bagay sa kanya na open ang relasyon nila, unlike noong sila pa ni Kris Bernal na two years nga niyang GF, pero hindi naman maamin publicly.
Hindi maganda ang break-up nila ni Kris, pero friends na sila ngayon at nag-uusap na. Wish ni Jay na makasama sa Party Pilipinas si Gretchen.
Ibinalita na ni Jay ang tinatapos na digital album sa Viva Records.