^

PSN Showbiz

Bahay at lupa na ibinigay sa starlet, hindi na nadiskubre ng asawa ng pulitiko

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Sosyal ang isang starlet dahil bonggang bahay at lupa ang ibinigay sa kanya ng karelasyon na pulitiko.

’Yun nga lang, hindi nagtagal ang kanilang love affair. Hiwalay na ang dalawa pero in fairness sa rich benefactor, hindi nito binawi sa starlet ang kanyang expensive gift.

Ginamit ng starlet ang utak. Hindi niya kailangan ng malaking bahay kaya may-I-sell niya ang property. Plano ng starlet na lumipat sa mas maliit na bahay dahil mas importante na may datung siya. Paano nga naman kung hindi na siya makahanap ng bagong rich benefactor? It’s a must na gamitin niya ang utak dahil hindi siya forever na maganda at sariwa.

Mukhang hindi naman na-discover ng misis ng pulitiko ang lihim ng kanyang dyowa dahil sila pa rin ang magkasama. Maganda, matalino, at mula sa matino na pamilya ang better half ng pulitiko. Hindi ako magbibigay ng clue dahil mahuhulaan ninyo kung sino siya bilang may connect si misis sa showbiz.

Pamilya Revilla iniyakan nang husto ang nawalang baby ni Andeng

Marami ang napaluha nang ipakita sa TV ang misa para sa namatay na anak nina Rizal Gov. Junjun Ynares at Andeng Bautista.

Nakakaiyak naman talaga ang eksena. Napakasakit para sa mag-asawa na mamatayan ng anak na hindi pa naisisilang.

Baby girl ang anak ni Andeng na namatay sa kanyang sinapupunan. Isisilang na dapat ni Andeng ang bata ngayong September pero hindi pinalad na mabuhay ang little angel nila ni Gov. Junjun.

Iyak nang iyak ang mag-asawa sa nangyari. Pati si Sen. Ramon Revilla, Sr., hindi napigilan ang lumuha sa pagkawala ng kanyang apo.

Napaluha rin si Sen. Bong Revilla, Jr. na naka-relate sa nangyari dahil namatayan din sila ni Rep. Lani Mercado ng anak. Ang pagkakaiba lang, naisilang pa ni Lani ang bata. Nakikiramay ako sa mag-asawang Gov. Junjun at Andeng dahil sa nangyari sa kanilang anak na bunso.

Tunghayan ninyo ang Startalk ngayong hapon para sa kumpletong report tungkol sa malungkot na karanasan nina Andeng at Gov. Junjun.

Annabelle Rama nambibitin pa sa kanyang kandidatura

Pahulaan pa rin kung itutuloy ni Annabelle Rama ang kandidatura niya bilang kongresista ng North Cebu sa 2013 elections.

Madalas na nakikita na nag-iikot si Annabelle sa kanilang bayan pero walang kumpirmasyon kung tuloy o hindi ang pagpasok niya sa pulitika.

Abangan natin ang mga mangyayari sa pagitan ng Oct. 1 at Oct. 5, ang mga petsa ng filing ng certificate of candidacy. Kapag nag-file si Bisaya ng kandidatura, isa lang ang meaning nito, confirmed ang pagnanais niya na mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan.

I Do… nakapasa pati sa mga pihikan

Showing pa rin sa mga sinehan ang I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila. Inaasahan ng Unitel Productions na patuloy na pipilahan sa takilya ngayong weekend ang kanilang pelikula na pinupuri ng moviegoers.

Wala pa akong naririnig na pamimintas sa I Do Bidoo Bidoo.

Pati ang mga kakilala ko na pihikan ang panlasa, nagustuhan ang pelikula na tribute ng Unitel Productions sa APO Hiking Society.

Nagustuhan nila ang pelikula at naging instant fan sila ni Sam Concepcion na nagpakitang-gilas sa pag-arte, pagsayaw, at pagkanta.

ANDENG

ANDENG BAUTISTA

ANNABELLE RAMA

BONG REVILLA

DAHIL

HIKING SOCIETY

I DO BIDOO BIDOO

JUNJUN

UNITEL PRODUCTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with