MANILA, Philippines - Nagsimula noong Lunes (Agosto 27) ang isa sa mga ‘Grand Slam’ tournaments sa mundo, ang 2012 US Open, at ipinapalabas ang pinakahihintay na tennis event na ito sa Balls live via satellite mula sa Flushing Meadows, New York hanggang Setyembre 10.
Abangan ang maaksiyong labanan ng mga pinakamagagaling na tennis player sa mundo sa kanilang pag-apak sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York. Muli kayang mamayagpag ang galing nina Novak Djokovic at Sam Stosur ngayong taon? O tuluyan na kayang maagaw ng iba pang agresibong tennis players ang kanilang titulo?
Hindi dapat palalampasin ang makapigil-hiningang laro sa pang-apat at huling Grand Slam para sa taong ito, ang 2012 US Open, live sa Balls araw-araw, 11:00 p.m. hanggang Setyembre 10.
Ang Women’s Finals naman ay gaganapin sa Setyembre 9, 7:00 a.m. samantala ang Men’s Finals on Setyembre 10, 12:00 a.m.
Ang Balls channel ay available sa SkyCable Platinum, SkyCable Gold, SkyCable Silver, at sa higit 200 quality cable operators sa bansa. Bumisita rin sa www.ballschannel.tv, i-like ang official fan page sa Facebook, www.facebook.com/BallsChannel, at i-follow ang @ballschannel sa Twitter.