'Nababaliw' kay Bea matatanggalan ng trabaho

Madali lamang kung aayusin ng GMA 7 ang problema ni Bea Binene na sinasabing may stalker na isang disc jockey (DJ) ng radio station ng GMA rin. Madali na la­mang nilang mapagsasa­bihan ang isa rin nilang ta­uhan na tantanan na ang young star dahil na­momroblema na ito sa nasabing radio DJ na obsessed daw kay Bea.

Ganun nga kaya ’yun? Sayang naman kung dahil dun ay masisira ang career ng radio DJ na maraming tagapakinig kaya sikat ang programa sa radio.

‘Wala nang ligtas na lugar ang pera’

Nakakatakot na talaga na sa rami ng mga naglalabasang kuwento tungkol sa mga nakawang nagaganap sa mga artista ngayon, tulad ’yung nawalang pera ni Ynna Asistio sa bangko at ’yung nakawan sa bahay ni Freddie Aguilar. Mapalabas o loob ng bahay, hindi na safe?

Nakakatakot kung dala-dala mo ang pera mo pero kapag idineposito mo sa bangko, may banta naman mula sa hackers. Saan na tayo lulugar ni­yan? Wala na bang ligtas na lugar ngayon?

Kiko Estrada inaasahang sisikat din

Happy ako sa tatlong kabataang lalaki na nagtatamasa ng kasikatan ngayon. Unahin ko na ang alaga kong si Jake Vargas, na mukha namang hindi apektado kung wala man siyang ginagawang teleserye sa GMA ngayon. Bukas makalawa ay magiging busy siya uli. Kung hindi naman siya umaarte ay may boses naman siya na maaasahan para hindi siya mawalan ng trabaho, mabenta siya sa mga mall. Nag-try din siya ng indie movie at nag-enjoy naman siya sa experience.

Si Daniel Padilla na inaanak ko ay hindi na rin mapasusubalian ang kasikatan. Asset siya ng Kapamilya Network. Hindi lamang niya namana ang husay sa pag-arte ng pamilya niya, pati pagkanta nakuha niya. Pero ang pinakanakuha niyang ugali ng mga Padilla ay ’yung karisma niya. Ang lakas din ng sex appeal niya na siyang kahinaan ng mga babae kahapon, ngayon, at bukas.

Pinakahuling bagets na inaasahan kong magtatagumpay din ay si Kiko Estrada, anak ni Gary at nag-aartista na rin.

Show comments