Ngek, baklesh pala ang isang local politician. At ang naging papa niya raw ay ang machong reporter ng isang network.
Actually, wala sa hitsura ng pulitiko na bading siya ha? Kasi ang face niya naman ay mukhang lalaking-lalaki at hindi mo pagkakamalang bakla. Pero isang source ang nagkuwento na ’yun nga, nagkaroon sila ng something ng nasabing news reporter ng isang network na madalas mag-report sa mga evening news program.
Kung sabagay, maskulado si news reporter kaya walang dudang matitipuhan siya ni Mr. Pulitiko na madalas maging controversial sa kanyang mga statement sa kanyang nasasakupang probinsiya.
Minsan daw kasing nag-cover ang reporter sa kanilang probinsiya at doon nagsimula ang lahat.
Nairaos ng simpleng-simple ang 30th Film Academy of the Philippines Luna Awards noong linggo ng gabi sa Quezon City Sports Club.
Wala ring masyadong artista at pawang mga nanalo lang ang dumalo.
Naging host ng awards night sina Rez Cortes at Katya Santos at hindi masyadong kilala ang mga performers.
Mabilisan ang seremonya. Walang kaeklayan. Pero kumpleto naman ang mga taong namamahala sa pangunguna ng director general na si Mr. Leo Martinez. Credible ang mga nanalo kaya hindi puwedeng pagdudahan.
Heto ang listahan ng mga nanalo:
Best Picture - Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story
Best Director - Paul Soriano, Thelma.
Best Actor - Jeorge Estregan, Jr., Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story
Best Actress - Maja Salvador, Thelma
Best Supporting Actor - John Regala, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story
Best Supporting Actress - Lovi Poe, Yesterday, Today, Tomorrow
Best Musical Score - Raul Mitra, No Other Woman
Best Sound - Albert Michael Idioma, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story
Best Cinematography - Odessy Flores, Thelma
Best Production Design — Fritz Silorio and Mona Silorio, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story
Best Editing- Jason Cahapay and Ryan Orduna, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story
Lamberto Avellana Memorial Award - Ben Feleo, Don Escudero, and Jose Batac
Manuel de Leon Award for Exemplary Achievement - Manuel “Jun” Urbano
FPJ Lifetime Achievement Award- Augusto Salvador
Golden Reel Award – Dolphy
Walang representative si Mang Dolphy. Malamang na kung nasabihan nila siguro kahit si Eric Quizon ay dumalo siya para tanggapin ang karangalan na ibinigay nila.
Aga umamin na finally na pinagnasaan noon si Regine
Hindi type ni Regine Velasquez na magpasampal at makita na dugu-duguan kaya kuntento na siya sa mga romance-comedy na ginagawa niyang movie na ang latest nga ay ang Of All the Things na for the third time ay ka-partner niya si Aga Muhlach.
Kaya naman masaya na siya na sa mga rom-com movie at proud siya sa movie nila ni Aga na after three years ay natapos din.
“Hindi naman talaga ako artista. Pero someday, magiging bold star ako,” sabay tawa ng rom-com queen nang makatsika namin.
Kaya nga wala na siyang pangarap na role. “Mas comfortable naman talaga ako sa ganito lang (comedy at nagpapakilig), ayoko na ng drama-drama,” paliwanag pa niya.
Anyway, nagpapasalamat sina Aga at Regine na natapos din nila ang Of All the Things. Eight shooting days lang kasi ang natitira bago nagkaroon ng conflict sa kanilang schedules.
May kissing scenes sila sa movie na dinirek ni Bb. Joyce Bernal. Pero wala nang eklayan. Sunggab agad bilang hindi na naman sila mga bata para magpa-cute-cute pa. Gamay na nila ang isa’t isa dahil pangatlong movie na naman nga nila ito.
Showing na sa Sept. 26 ang Of All the Things at kasama rin sa movie sina Gina Pareño, Jojo Alejar, Jay Perillo, Mark Bautista, at marami pang iba.
Samantala, nagkaungkatan during the presscon na nagkaroon pala ng chance na naging ‘girlfriend’ ni Aga si Regine pero hindi niya (Regine) alam. At hindi lang basta ‘girlfriend,’ may kasama pang pagnanasa.
“Sobrang pagnanasa talaga. Noon talaga, sobrang gustung-gusto ko siya. Kaya lang, lahat ng ipinakita ko dedma,” sagot ni Aga kaya walang nangyari.