Uge at Arnell mapapaiyak ng ina na nagtanggol sa anak

MANILA, Philippines - Kaabang-abang ang Face to Face guesting nina Eugene Domingo at Arnell Ignacio ngayong Lunes bilang mga celebrity saw­sawero’t sawsawera. Masusubok ang kanilang kakayahang ma­kapagbigay ng payo sa mga guest ng programa sa TV5.

Inamin nga ni Uge na isa siyang masugid na fan ng Face to Face dahil marami siyang nakukuhang magandang aral. Si Uge mismo ay naging emosyonal habang pinag-uusapan ang sinapit ng isang buntis na iginanti ng nanay ng lalaking nang-iwan sa kanya. Sa kalagitnaan kasi ng pagbubuntis ng dalaga, nagkaroon ng ibang karelasyon ang lalaki na ikinagalit ng ina nito.

Panoorin kung paano matutulungan nina Uge, Arnell, Ateng Gelli de Belen, at ng Trio Tagapayo ang mga panauhin sa Face to Face ngayong Lunes ng tanghali, Agosto 27.

Show comments