Julius iimbestigahan ang pagkamatay ni Robredo

MANILA, Philippines - Babalikan at bubusisiin ni Julius Babao ang mga kaganapan sa pagkamatay ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ngayong Lunes (Aug. 27) sa XXX.

Ilang eksperto ang nakausap ng programa para magbigay ng kanilang opinion kaugnay sa trahedya. Bibigyang pugay din ng XXX ang isang kawani ng gobyerno na minsan ng naging kaagapay nito sa pagsulong ng serbisyo publiko.

Habang inaalam ni Julius ang kasagutan, bubuweltahan naman ni Anthony Taberna ang isang green peas factory sa Malabon na nagpakawala na naman ng nakasusulasok na amoy at dumi sa lugar. Ito na ang ikalawang pagkakataong ginawa ito ng pabrika walong buwan matapos makuha ang una nilang babala mula sa awtoridad. Ngayon, nanganganib na mapasara ito ng tuluyan. 

Samantala, kukumustahin naman ni Pinky Webb si Lolo Romulo, isang matandang may cancer na ng sinagip ng XXX noong Hunyo. Isang buwan matapos siyang tulungan ng programa ay sinasabing lumubha pa ang kanyang karamdaman kaya naman mas maraming pagsusuri at panggagamot ang kailangan gawin sa kanya. Kumusta na kaya siya ngayon?

Tunghayan ang buong ulat sa XXX ngayong Lunes pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN, o sa panoorin ng mas maaga sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26) ng 9:15 p.m.

Show comments