^

PSN Showbiz

Walang ligtas sa Amorosa!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matinding takutan ang mangyayari sa inaabangang pagpapalabas ng Amorosa: The Revenge sa Aug. 29.

Isang project ng Skylight Films, ang “maindie” (mainstream indie) unit ng Star Cinema, ang Amorosa: The Revenge ay follow-up sa naging matagumpay na horror-suspense film na Corazon: Ang Unang Aswang at inaasahang magdadala ng panibagong takot sa mga manonood.

Isa sa mga inaabangan sa Amorosa: The Revenge ay ang actress-model na si Angel Aquino na unang beses gaganap na bida sa isang horror movie bilang ina na si Rosa. Ayon kay Angel, sadyang nakakatakot ang mga eksena na kinailangan niyang ipaalala sa sarili na pelikula lang at hindi totoo ang kanilang nakikita’t naririnig.

“Ginamit ko ang imagination ko para ma-motivate ang sarili ko sa mga horror scene,” sabi ng aktres. “So, kung anuman ’yung instructions sa akin ni Direk Topel (Lee), nai-imagine ko na totoo talaga. Kunwari sasabihin niya sa akin na merong multo sa likod ko, hindi na talaga ako lilingon, kasi nai-magine ko nga na meron talaga. Minsan tinatanong ko si Direk kung bakit pa niya kailangan sabihin sa akin ’yun kasi madali akong matakot.”

May mga pagkakataon daw na talagang sila mismo ay natakot sa atmosphere sa set. “Minsan naiisip namin na talagang may multo roon kasi nung minsan, may kumuha ng litrato at dun sa picture, nakita talaga na may reflection sa pinto ng babae na nakaputi na damit. Eh ’yung pinto na ’yon, sobrang luma na, as in, hindi siya makintab o varnished. So, imposible ’di ba, na magka-reflection siya? Pero nung nakita naming ’yung picture, meron talaga! Nung pinakita sa akin, natakot ako talaga. Sabi ng stylist namin na may third eye, may multo raw talaga roon,” kuwento ni Angel. 

Si Enrique Gil, na gumaganap bilang anak ni Rosa na si Rommel ay hindi madaling maniwala sa mga multo. Pero makaraan ang ilang araw sa set, at matapos marinig ang kuwento ng mga kasamahan niya, nagsimula na itong mag-isip na baka nga totoo ang mga sinasabi nila na may multo roon.

“Nung una ako pa ’yung nagsasabi sa kanila na walang multo sa set namin. Pero habang nagtagal, pati ako natatakot na rin. Nakakatakot talaga sa lugar na ’yun kasi sa gabi may fog, ’tapos nagha-howl pa ’yung wind. Kaya nga kung puwede, ayoko maiwan sa standby area ng mag-isa,” sabi ng young actor.

Si Martin del Rosario, na kasama sa cast bilang si Amiel, ang bulag na anak ni Rosa, ay nilabanan ang takot na nararamdaman niya dahil sa kagustuhan niyang maitawid ang pelikula. Dahil doon, naging masaya para sa kanya ang paggawa ng Amorosa: The Revenge.

“Mahilig kasi talaga ako sa horror movies. Kung papipiliin mo ako, horror kasi gusto ko panoorin. Kaya masaya ako na napasama ako rito. First time ko rin ma­katrabaho sina Ms. Angel at Enrique sa isang movie. Masaya, parang mag­ka­ka-age lang kami. Very comfortable kaming lahat sa isa’t-isa — kahit minsan may nangyayaring nakakatakot sa set na hindi namin talaga ma-explain,” say niya.

Para maka-witness ang isang bagong level ng katatakutan, pumunta na sa mga sinehan sa Aug. 29 para sa Amorosa: The Revenge.

Ang Amorosa: The Revenge ay sa ilalim ng direksiyon ni Topel Lee. Bukod sa tatlong bidang nabanggit, kasama rin sa cast sina Empress, Carlo Aquino, Ejay Falcon, and introducing sina Jane Oineza, Franco Daza, Nico Antonio, Jairus Aquino, Mosang, at Richard Quan. May special participation din dito ang child star na si Xyriel Manabat.

AKO

ANG AMOROSA

ANG UNANG ASWANG

ANGEL AQUINO

CARLO AQUINO

DIREK

PERO

TALAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with