Eula at Ritz maghaharap na

MANILA, Philippines - Padami na nang padami ang tumututok sa Third Eye ng TV5 dahil sa mga kapanapanabik na mga eksena at mga kakaibang kontrabidang nakakalaban ni Cassandra (Eula Caballero). Sa Linggo, Agosto 26, si Ritz Azul ang makakatunggali ni Eula sa bago nitong epsiode.

Madalas na pinagtatapat at pinagkukumpara ang dalawang dalaga pero giit ni Eula na walang namamagitang rivalry sa kanila ng kanyang kaibigan at fellow TV5 princess na si Ritz. Excited pa nga si Eula dahil ito ang unang pagkakataon na magkakasama sila ni Ritz sa isang drama. Minsan nang nagkatrabaho ang dalawa sa comedy show na Loko Moko.

Gagampanan ni Ritz ang papel ng isang mambabarang o mas kilala sa tawag na mangkukulam. Ano ang misteryong bumabalot sa mambabarang? May kinalaman kaya siya sa pagkawala ng boyfriend ni Cassandra?

Ilan lamang iyon sa mga katanungang masasagot ngayong Linggo sa Third Eye, 9:30 p.m. sa TV5. 

Show comments