James at Phil Younghusband magkakasubukan na ng galing!

MANILA, Philippines - Para mas palakasin pa ang football sa Pilipinas, gaganapin ang kauna-unahang CLEAR Dream Match. Magsasama-sama ang mga pinakamagagaling na United Football League (UFL) players, mga miyembro ng Philippine National Team, at pati na college players.

Inilunsad ang CLEAR Dream Match noong June 25 at ito na ang isa sa pinakahihintay na sporting events sa bansa ngayong taon.

Pinangungunahan ng magkapatid na James at Phil Younghusband at ng kanilang The Younghusband Football Academy (TYFA), sa pakikipagtulungan ng Clear Men nauna na silang nagsagawa ng Clear Dream Clinic and Draft sa Tuloy Sa Don Bosco Foundation kung saan nagkaroon ng exciting morning ang football fans

 “Having a clinic for the children of Tuloy and the fans who have supported us is a pleasure for us,” sabi ni Phil.

Sabi naman ni James, “Phil and I have had the privilege of making a living out of playing the sport we love. We just want the other kids with a passion for football can do the same.”

Ang football ang isa sa pinakamalaking dahilan ng magkapatid na Filipino-British kung bakit naisipan nilang dito na sa Pilipinas manirahan mula nung 2010.

 “I think what the brothers are doing for Philippine football has been so great. Their passion for football is what made their partnership with Clear so successful. Kaya nagkaroon ng Clear Dream Match,” sabi ni John Imperial, brand manager ng kilalang shampoo for men.

Kanya-kanya ng team ang magkapatid. Kaya sa darating na Aug. 25, malalaman na ng lahat kung Team James ba o Team Phil ang mas mahusay sa field sa tulong ng kani-kanilang coaches. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na maglalaban ang magkapatid sa isang all-star charity football exhibition. Kaya magkakaalaman na kung sino talaga ang mas magaling sa kanila,

At ang maganda pa para sa fans, libre nila itong mapapanood. Bisitahin lang ang opisyal na Facebook site nila.

Show comments