Anak nina Aga at Janice may sariling show na
MANILA, Philippines - May bagong career na ang anak nina Aga Muhlach at Janice de Belen na si Luigi.
Host na siya sa binabalik ng GMA Network na well-loved cooking show sa telebisyon, ang Del Monte Kitchenomics kasama si Jolina Magdangal-Escueta. Mapapanood na ito simula August 29, tuwing Wednesday ng 11:25 a.m. at Saturday ng 10:30 a.m.
First time ni Chef Luigi na magkakaroon ng cooking show at excited na ito.
Pumayat na si Luigi at may sarili na siyang restaurant kaya swak siya sa bagong cooking show na five minutes lang eere araw-araw.
Expert sa Pinoy comfort food si Luigi at sa taping pa lang daw nila ay nagpatikim na ito ng masasarap na pagkain.
Si Jolina naman ay first time magkakaroon ng ganitong show at masaya siya bilang makakasabay siya sa pag-aaral ng pagluluto habang nagti-taping sila. Bagong misis nga naman. Ihaw-ihaw lang daw kasi ang madalas niyang lutuin sa asawang miyembro ng banda.
Nakikitira palang ang bagong kasal na sina Jolina sa magulang ng asawa niyang si Mark Escueta pero naghahanap na sila ng mabibiling sarili nilang bahay.
Inuuna nila ang pagbili ng bahay bago gumawa ng “mini me” si Jolina.
Dream niyang bahay ‘yung may garden at may space sa inflatable swimming pool dahil ayaw niya ang totoong swimming pool dahil mahirap i-maintain at nakakatakot.
At ‘yung mini Jolina, hindi naman sila nagmamadali pero kung ibibigay naman daw ng Diyos malugod nilang tatanggapin.
Anyway, going back to Del Monte Kitchenomics, mas magiging madali raw ang mga episode ngayon ng nasabing programa.
“The highlight of the show, and its main strength, is of course its recipes which come from Del Monte Kitchenomics - which has proven to be Filipinos’ trusted culinary partner throughout the years. The recipes are really easy to follow and delicious. And with the help of Chef Luigi and Jolina, the show delivers these recipes in a bite-size form: only five minutes! Busy viewers will get the information they need in a way that’s easy to digest,” saad ni Ian Rica Roxas, program manager ng Del Monte Kitchenomics.
“Del Monte Kitchenomics has been providing wonderful meal solutions to the Filipino consumers for almost 3 decades now. I’m proud to say that through the years, the program has evolved along with our Filipino moms. More women are now working and have their own businesses. They need recipes that everyone in the family will love and at the same time easy to prepare despite their hectic schedules. Also, Filipinos are now exposed to so many new restaurants. Our chefs are continuously cooking up exciting and innovative recipes ideas for the now more sophisticated Filipino taste,” sabi naman ni Susie Aquino, senior brand manager ng Del Monte Kitchenomics.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website www.kitchenomics.com o ang official brand fan page www.facebook.com/Delmontekitchenomics.
Enchong at Kean, Bagong Milyonaryo
Nasungkit ng The Reunion lead stars na sina Enchong Dee at Kean Cipriano ang isang milyong jackpot sa Kapamilya Deal or No Deal kamakailan sa pamamagitan lang ng pagbabato-bato pick. Sa kanilang makapigil hiningang laro, dalawang briefcase na lang ang naiwan para pagpilian nila – ang isa ay naglalaman ng P1 milyon habang ang isa ay naglalaman naman ng P10. Nagdesisyon ang dalawa na magbato-bato pick para maging basehan sa kanilang desisyon na gagawin. Dahil nanalo si Enchong, no deal ang sigaw nila sa offer ni Banker. Nang buksan ang kanilang napiling briefcase #21 laking gulat ng dalawa ng bumungad sa kanila ang P1 milyon.
Sila ang pinakaunang milyonaryo sa edisyong ito ng KDOND. Idodonate ni Enchong ang napanalunan sa Boystown habang gagamitin naman ni Kean ang kanyang parte para ipagamot ang titang may karamdaman at para mag-donate rin sa Gawad Kalinga.
Sino kaya ang susunod na milyonaryo sa KDOND? Huwag palalampasin ang Kapamilya Deal or No Deal tuwing Sabado, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.
Richard Gutierrez at Marian Rivera nag-adventure sa Davao
Ngayong Sabado, sa bihirang pagkakataon, muling magsasama ang Kapuso primetime royalties na sina Richard Gutierrez at Marian Rivera para sa naiibang episode ng Pinoy Adventures sa Davao ngayong Sabado 6: p.m.
Makikisaya ang Pinoy Adventures sa isa sa pinakamalaki at pinakamakulay na festival sa bansa – ang Kadayawan Festival ng Davao City. Bukod sa makulay na fiesta adventure, siguradong mapapatili at mapapasigaw ang lahat dahil sasabak sa isang wildwater adventure sa Davao River sina Richard at Marian!
Samahan rin ang Pinoy Adventures sa pagtuklas sa isang magandang destinasyon sa isla ng Samal – ang Bito Depression - isang lugar na may lalim na 500 feet na mula diumano sa isang bumagsak na meteor. Bukod rito, tampok rin sa episode ang makapigil-hiningang pagra-rappel ni Richard sa kwebang puno ng mga paniki!
- Latest