John Lloyd seryoso sa pananahimik

Talaga namang dapat hindi i-open nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban ang kanilang relasyon, kung meron man. Gaano man ang pagnanais nilang i-justify ito, lalabas at lalabas pa rin silang kontrabida sa paningin ng lahat.

Dapat kasi ay noon pa nagsalita si Angelica ng mga dahilan ng paghihiwalay nila ni Derek Ramsay. Pero napangunahan na ito ng pananahimik niya at ang napaka-maginoong pagtatanggol sa kanya ng kanyang ex-boyfriend. Nito lamang na lumabas ang ‘Perfect Sunday’ photo nila ni John Lloyd at saka siya nagsisimula nang maglahad ng mga kanegahan ng Kapatid recruit, so paano pa siya paniniwalaan?

Tama lang na ipagpatuloy nila ni JLC ang nasimulan nilang silence para hindi maapektuhan ang mga ginagawa nilang proyekto. Hindi naman ito magtatagal. Maikli lang ang memorya ng nga Pinoy. Madali lang silang makalimot at lalo na ang magpatawad.

Mommy Divine kalma na

I am more inclined to believe na wala na talaga sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson at pa-tweetums na lang sila para sa endorsement na ginawa nila para sa isang hamburger chain. Tahimik na kasi sa kampo ni Mother Divine na ang ibig sabihin ay napapayag din niya ang kanyang anak sa gusto niya.

Habang hindi pa talaga nakakakita ng lala­king mamahalin niya ang Pop Princess, mangyayari ang gusto niya. Pero kapag dumating na si Mr. Right, humanda siya dahil lalarga at lalarga ang kanyang anak.

Charice patuloy na pinupukol

Mayabang nga ba si Charice kaya tinatabla ng mga kababayan niya? Aba, ganun na lamang kung lait-laitin nila ang Pinay na nagbibigay naman ng karangalan sa bansa. ’Yung yabang ay ibigay na lamang natin sa kanya dahil baka dun niya nailalabas ang kanyang pagmamalaki, her pride, sa mga na-achieve niya bilang isang singer.

Iba-ibang klase ang pamamaraan ng tao sa pagtanggap ng mga achievement nila, baka ’yung pagyayabang ang paraan ni Charice. Let’s not be harsh on her. Ibigay na lang natin sa kanya ’yun. And hope that in time, ma-realize niya ang mistake niya at maging humble in her success. Huwag na tayong humanap ng bato na ipupukol sa kanya. 

Show comments