Nag-react ako nang makita ko kahapon ang September issue ng aking favorite magazine, ang Vanity Fair.
Ang asawa ni Prince William na si Kate Middleton ang cover girl ng Vanity Fair at may title na Kate, The Great ang article tungkol sa kanya.
Nag-react ako dahil napakaaga pa para tawagin na “The Great” si Kate dahil wala pa naman siyang napapatunayan ‘no! Ayaw ni Princess Diana nang ganyan! Kailangan ba talaga na magpaapekto ako sa mga title na idinidikit sa pangalan ng mga royalty?
Gary mahaba ang dasal para kay Zsa Zsa
Nagtagal ako kahapon sa presscon ng I Do Bidoo Bidoo dahil nag-enjoy ako sa masayang kuwentuhan ng mga artista at mga reporter.
Pero bago nagsimula ang presscon, nag-alay muna ng dasal ang lahat para kay Zsa Zsa Padilla.
Si Gary Valenciano ang nanguna sa pagdarasal para sa paggaling ng sakit ni Zsa Zsa. Ikinuwento ni Gary na sinabi sa kanya ni Zsa Zsa ang karamdaman nito bago nagsalita sa TFC ang singer-actress.
Mahaba ang dasal ni Gary para sa kanyang kaibigan na naka-schedule na sumailalim sa kidney surgery sa August 27.
Hindi agad nag-umpisa ang presscon ng I Do Bidoo Bidoo dahil nagkaroon muna ng videoke singing contest. Nang matapos mag-sing ang mga reporter, kumanta muna sina Tippy Dos Santos at Sam Concepcion na parehong hindi matapos-tapos ang pasasalamat dahil kasama sila sa cast ng isang magandang pelikula.
Excited na si Sam sa nalalapit na red carpet premiere ng I Do Bidoo Bidoo. Talagang nagbibilang na siya ng araw dahil gustong-gusto na niya na mapanood ang kabuuan ng pelikula na kanilang pinaghirapan.
Mahigpit naman ang pakiusap ng Unitel Productions at Studio5 sa press na huwag i-reveal ang role ni Neil Coleta para hindi ma-pre empt ang surprise ng pelikula.
Hindi na ako nag-attempt na alamin ang role ni Neil dahil baka maisulat ko ito nang hindi sinasadya. Mas makabubuti na panoorin na lang ang pelikula sa mga sinehan sa August 29 para malaman natin ang role ni Neil na hinuhulaan na magkakaroon ng acting nominations sa best supporting actor category dahil sa akting na ipinakita niya.
Special guest sa presscon si Jim Paredes na may cameo role sa musical film. Hindi dumating si Danny Javier pero may nakakita kay Boboy Garovillo sa compound ng restaurant na pinagdausan ng I Do Bidoo Bidoo presscon.
Wondering ang mga reporter dahil hindi umupo sa presidential table si Boboy na may acting career, kesehodang nagpahinga na ang grupo ng Apo Hiking Society.
Maganda raw ang pelikula na puwedeng panoorin nang paulit-ulit dahil hindi nakakasawa. Intrigang-intriga ako sa mga nakapanood na sa press preview ng pelikula na nakakaiyak ang I Do Bidoo Bidoo dahil pati si Ogie Alcasid, nag-dialogue na sumakit ang kanyang ulo pagkatapos ng preview dahil napaiyak at natawa siya sa mga eksena ng kanilang pelikula.