Cristine napipisil na Darna, fans ayaw sa superhero na hindi kasundo ang pamilya

SEEN: Ang nakakatakot na itsura ni BB Gandanghari sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa Bandila dahil sa kanyang witch inspired make-up.

SCENE: Hinangaan nina Julius Babao, Ces Oreña-Drilon, Karen Davila, at Boy Abunda ang positive disposition ni Aika Robredo sa maagang pagpanaw ng kanyang ama, si DILG Secretary Jesse Robredo.

SEEN: Tutol ang ABS-CBN loya­lists sa balita na si Cristine Reyes ang napipisil na gumanap na Darna.

Ayaw nila sa superhero na nagtatanggol sa mga naaapi na gagampanan ng artista na inaaway at hindi kasundo ang sariling pamilya.

SCENE: Pinagkalooban ng MMDA ng  medal of honor at na-promote bilang Traffic Aide 2 si Saturnino Fabros, ang traffic enforcer na nakunan ng video habang sinasapak ng isang Robert Carabuena.

SEEN: Pinangungunahan ni Dulce ang paglikom ng tulong para kay Susan Fuentes, ang singer na may kidney illness at nagpasikat sa classic song na Miss Kita Kung Christmas.

SCENE: Sina Tirso Cruz III, Cesar Montano, Lorna Tolentino at Boots Anson-Roa ang ilan sa mga bisita ni Phillip Salvador sa  59th birthday nito na ginanap sa Salvatore Restaurant, Makati City.

SEEN: Riot ang love scene nina Eugene Domingo at Ogie Alcasid sa I Do Bidoo Bidoo. Napapayag sina Eugene at Ogie  na underwear lamang ang isuot sa kanilang love scene habang kinakanta nila ang Di Na Natuto.

SCENE:  Ang statement ni Christian Bautista na anytime, puwede siyang bumalik sa Indonesia at maaaring dalhin doon ang X Class, ang kanyang anniversary concert sa October 2012. Nagkaroon ng problema si Christian sa Indonesia dahil sa bintang na walang permit ang kanyang concert noong January 2012.

Show comments