Kris at Carl naka-isang buwan nang mag-on

PIK: Dalawang matinong local film ang ipalalabas ngayong araw sa mga sinehan, ang Guni-Guni ng Regal Entertainment, Inc. at ang Mga Mumunting Lihim na dinistribyut ng OctoArts Films.

Kung paano tinangkilik ang The Bourne Legacy na kinunan ang finale scene dito, sana naman ay ganun din ang suportang ibigay ng mga kababayan natin sa dalawang pelikulang ito.

Matino ang pagkagawa ni Direk Joey Reyes sa Mga Mumunting Lihim na isa sa mga nag-hit nung nakaraang Cinemalaya. Mapanood n’yo rin dito kung paano magbigayan ang apat na bidang sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, Agot Isidro, at Janice de Belen kaya wagi silang lahat sa best supporting at best actress category sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Ang Guni-Guni naman ay kakaibang horror film ni Tara Illenberger na napansin din noon ang pelikula niyang Brutus sa Cinemalaya 2008.

PAK: Totoo kayang mag-iisang buwan nang mag-on sina Carl Guevarra at Kris Bernal?

Ayon sa PEP Alert, niregaluhan ni Carl si Kris ng isang puppy bilang selebrasyon ng isang buwang relasyon nila.

Pero ang komento ng karamihan, magtatagal kaya sila dahil sisimulan na rin ang drama series nina Kris at Aljur Abrenica?

Sila pa rin kasi ang bagay kaya baka magkaroon ng selosan lalo na’t kung maging close uli ang magka-love team?

BOOM: Ini-endorse ni Dingdong Dantes ang role na Carlos Miguel Altamonte kay Mikael Daez na siya na ngayon ang gaganap sa remake ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Sana ay Ikaw na Nga.

Dapat ay kasama nito sa shoot si Tanya Garcia na leading lady niya sa seryeng ’yun pero nasa ospital pa ito kaya hindi ito nakarating.

Ie-endorse naman sana ni Tanya ang role na Cecilia Fulgencio, Cecila Peron, at Margarita Zalameda kay Andrea Torres.

Ayon kay Dingdong: “I’m very happy for both of them dahil pareho silang may tamang attitude towards work. Pareho silang good looking and bagay na bagay silang dalawa.”

Pero naikuwento na rin si Dingdong sa amin na excited siya sa gagawin niyang serye sa GMA 7 na medyo maselan ang isyung tatalakayin sa proyektong ito.

“Tungkol ito sa pag-iibigan ng dalawang taong magkaiba ang relihiyon. Basta it deals with two religions,” kuwento ng aktor na medyo alanganin pang ikuwento lahat at baka hindi pa puwedeng ilahad.

Show comments