“Richard Yap and Jodi Sta. Maria’s soap are turning out to be the biggest surprise hit,” komento Vivian Tin, head ng customer business development group ng ABS-CBN.
Ayon naman sa chief financial officer ng Kapamilya Network na si Rolando Valdueza, dahil sa pataas nang pataas na advertising revenues dahil sa mga top-rating program tulad ng Be Careful With My Heart, posibleng malagpasan ng ABS-CBN ang target nitong net income ngayong taon. Baka lumagpas pa sa P1.3 billion.
Samantala, patuloy ang paglaki ng lamang ng Be Careful With My Heart kumpara sa katapat nitong programa sa GMA 7. Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media noong Huwebes (Agosto 16), humataw na sa ikaapat na puwesto ng overall top programs sa bansa ang “kilig-serye” nina Jodi at Richard taglay ang 23% national TV ratings, o 16 puntos na kalamangan kumpara sa Kapuso Movie Festival ng GMA na nakakuha lamang ng 6.9%.
Mula ng magsimulang umere ang Be Careful With My Heart noong Hulyo, iba’t ibang programa na ang itinapat dito kabilang ang Chef Boy Logro: Kusina Master, Baker King: The Big Return, at ngayon ang Kapuso Movie Festival.
Patuloy na mabighani sa “magic” ng love story nila Yaya Maya at Mr. Lim sa Be Careful With My Heart, araw-araw, 10:45 a.m., bago mag-It’s Showtime, sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.