Kay Juday pa rin ang apelyido Ryan nakabinbin pa ang petisyon ng legal na pag-aampon kay Yohan

Marriage becomes her. Ito ang madalas sabihin kay Judy Ann Santos ng mga tao dahil kung ke­lan siya nag-asawa at nagkaanak ay saka naman siya nagbu-bloom ng husto. Napakaganda nga­yon ni Juday, very slim at animo’y hindi nanganak kay Lucho. 

Bukod sa napakaganda ng kanilang pagsasama ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo kapi­ling ang kanilang dalawang anak na sina Yohan at Lucho, napakarami ngayon ng TV commercial ng young superstar.

Gandang-ganda kami kay Juday nang ito’y du­­mating sa intimate presscon ng Mumunting Li­him na showing sa mas maraming sinehan simula ngayong Aug. 22 matapos itong manalo ng mara­ming awards sa katatapos pa lamang na Cine­ma­laya Independent Film Festival.

Samantala, sa wedding nina Melissa Mendez at Eric Gobencion last July 27, inamin sa amin ni Mommy Carol, ina ni Juday, na nung bagong silang pa lamang si Lucho ay selos na selos si Yohan kaya nang ito’y mapansin nina Juday at Ryan ay ipina­dama nila sa bata na mahal na mahal pa rin siya sa kabila ng pagdating ni Lucho. 

Ipinagtapat na rin ng mag-asawa kay Yohan na siya’y ampon pero hindi ito nangangahulugan na hindi na siya mahal.

Speaking of Yohan, hindi pa rin pala napapalitan ng apelyidong Agoncillo ang family name na Santos sa kabila na may petition na sa court ang legal adoption ni Ryan sa bata which would take sometime. Pero in process na ito. Kaya sa school ay Santos pa rin ang dala-dalang apelyido ni Yohan na nakikipag-compete na sa kanyang mommy (Juday) sa dami ng TV commercials.

Lovi, Allan K., Pops dadayuhin ang Barrio Fiesta sa Japan

Tiyak na dadayuhin ng ating mga kababayan sa Japan ang two-day Barrio Fiesta event ng Philippine Embassy-Tokyo sa pakikipagtulungan sa FilCom sa Japan sa Sept. 1 & 2 na gaganapin sa Yamashita Garden sa Yokohama, Japan dahil ilan sa mga kilalang personalidad ng Pilipinas ang nakatakdang lumipad patungong Japan para makipagsaya sa a­ting mga kababayan ng libre at ang mga ito ay sina Allan K., Lovi Poe, ang concert queen na si Pops Fernandez, ang drama king na si Christopher de Leon, ang singer-actor na si Ariel Rivera, at ang singer-comedienne na si Giselle Sanchez, among others.

Matagal-tagal ding panahong walang malaking event sa Japan ang Philippine Embassy (Japan) na pinamumunuan ngayon ni Ambassador Manolo Lopez.

Ang iba’t ibang entrances ng Yamashita Garden ay bukas sa publiko sa ganap na ika-10 ng  umaga at magsasara sa ika-anim ng gabi.

Shalala nangakong babalik kay Kuya Germs

Walang katotohanan ang balita na masamang-masama ang loob ng Master Showman na si German Moreno sa original protégé niya na si Tolits o Shalala dahil iniwan niya sa ere ang dating mentor para lumipat ng TV5. 

Hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin ang dalawa at paminsan-minsan ay dumadalaw sa taping ng Walang Tulugan with Master Showman si Shalala. Katunayan, nangako pa si Shalala kay Kuya Germs na mag-a-appear siya sa GMA 7 Saturday night show ng at least once a month.

Kung anuman ang narating ngayon ni Shalala pagdating sa kanyang career ay ikinatutuwa ni Kuya Germs.

Show comments