Young actress hindi nahihiyang mag-display ng mga peklat
Ang daming peklat sa legs ng isang young actress. Pero kahit halatang may mga mantsa ang balat sa binti, wa care. Panay pa rin ang pagsusuot ng maiksing damit.
Minsang naka-red dress siya, hindi naitago ang mga peklat niya.
Maganda pa naman sana ang young actress na ito. Kaya lang bakit kaya hindi niya maisipang magpa-laser sa Belo para naman mabawasan ang mga peklat niya sa legs?
Long legs si young actress at mahilig sa red lipstick.
Mother Lily seryoso sa pagluluto
“In life, you should never stop learning. Never fear change. You should always be open to new lessons and discoveries. That’s the only way you can grow and improve as a persona,” katuwiran ni Mother Lily Monteverde matapos mag-decide na mag-take ng culinary kay Chef Sau del Rosario na magsisilbi rin ngayong food consultant sa pag-aari niyang hotel na Imperial Palace Suites na matatagpuan sa Quezon City.
Kaya naman sa ginanap na party para sa kanyang 73rd birthday, iba-iba na ang mga pagkain na handa kumpara noon na halos pare-pareho lang.
“It’s a new beginning for me,” sabi niya tungkol sa pinasok na bagong career – ang pagluluto nga kasabay ng kanyang 73rd birthday.
Pero hindi na naman bago sa kanya ang cooking class dahil noon palang kabataan niya, nag-Chinese cooking class na siya.
“I even put up Mother China in Pasay Road in Makati,” sabi niya. “Now, I want to expand my knowledge in cooking.”
At sa party nga na ginanap last Sunday night sa Imperial, natikman ng mga kaibigan at kamag-anak ang sample ng mga pagkain na pinagtulungan nilang i-prepare ni Chef Sau.
Proud si Mother sa ginagawa niya at feel na feel ang pagsusuot ng chef uniform habang nagluluto.
“Whether producing films or cooking food, everything should be done with love and passion.
“Maybe next time you have breakfast, lunch and dinner sa Imperial Palace Suites, ang kakainin ninyo ay luto ko na, not made by Mother Lily but Chef Lily,” pahabol pa niyang sabi.
Bukod sa Imperial Suites sa Quezon City, malakas din ang kanyang pag-aaring Taal Imperial Hotel and Resort sa Batangas.
Anyway, bukod sa pagluluto, abala rin pala si Mother sa latest offering ng Regal Entertainment, Inc. na Guni-Guni na bida si Lovi Poe and Benjamin Alves. Showing na ito sa Miyerkules.
Dingdong dinugo sa gastos sa aswang
Nasa build-and-sell business din pala si Dingdong Dantes. Ngayon ay katatapos lang niyang ipagawa ang isang four-unit townhouse sa may area ng Pasig City. Kasalukuyan na itong for sale.
Ito ay bukod pa sa kabubukas nilang restaurant ka-partner ang ilang kaibigan na matatagpuan sa Makati City.
“Pero magre-relocate kami. Medyo tago ’yung lugar namin sa Makati eh,” sabi niya.
’Tapos heto nga pinasok na rin niya ang pagpo-produce ng pelikula — Tiktik (The Aswang Chronicles).
Personal money ang lahat ng investment niya sa pelikula kaya alam ng lahat ang nangyayari rito na sila ni Lovi Poe ang bida at idinirek ni Erik Matti.
Pero siyempre ayaw niyang banggitin kung magkano ang inilabas niyang capital para maging ala-Hollywood ang trailer nito.
Matagal na pala niyang gustong mag-produce at sakto na biglang minsang nag-uusap-usap sila nina Dondon Monteverde, anak ni Mother Lily at isa rin sa mga producer, biglang napag-usapan ang tungkol sa pagpo-produce. Hindi na nagtagal ang usapan at inayos agad bilang ready na ang script.
More than a year bago natapos ang pelikula. Matagal na silang tapos mag-shooting pero natagalan sa post production kaya nagkaganun.
“Marami na kaming natatanggap na invitation sa mga international film festival pero ’yung isa tinanggihan na namin kasi sa September na,” sabi ng aktor nang makausap namin.
Frame by frame ang ginawa sa special effects kaya talagang naging madugo raw ang post prod. Pero nang mapanood naman nila ang finished product, sulit ang madugong gastos.
Showing na ang Tiktik (The Aswang Chonicles) sa Oct. 17.
- Latest