^

PSN Showbiz

Direk Joey magtatayo ng sariling film writing school

RATED A - Aster Amoyo - The Philippine Star

Respeto at malalim na pagkakaibigan ang na­ging dahilan kung bakit napapayag ng award-winning writer-director at producer na si Jose “Joey” Javier Reyes ang kanyang apat na lead stars sa indie film na Mga Mumunting Lihim, sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, Janice de Belen, at Agot Isidro, at hu­ag magpabayad ni isang singkong du­ling para gawin ang award-winning Cinemalaya film entry na kanyang sinulat, idinirek, at ipinrodyus under his very own Largavista Entertainment.

Hindi man si Direk Joey ang nanalong best director sa Cinemalaya, masayang-masaya siya para sa kanyang cast dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nanalo ang mga ito ng best actress at best supporting actress na never pa nangyari in any other film o ginawa ng alinmang award-giving body. Na­nalo rin ang script ni Direk Joey ng best screenplay at ma­ging ang best editing ay nakuha rin ng pelikula.

Ibinuking ni Juday na kung hindi inalok sa kanya ni Direk Joey ang role niya sa Mga Mumunting Lihim, baka siya raw ang kumatok sa bahay ng wri­ter-director-producer para ibigay sa kanya ang papel na gustung-gusto niyang gawin dahil kakaiba ito sa mga role at pelikulang nagawa na niya. Maging si Janice ay masayang-masaya na nagawa niya ang pelikula along with Juday, Agot, at Iza na may kanya-kanyang highlight sa pelikula.

Aminado si Direk Joey na ang Mga Mumunting Lihim ay inspired ng pagkakaibigan nila nina Direk Manny Castañeda at dalawang yumaong direktor na sina Don Escudero at Kryss Adalia.

As if hindi pa kumpleto ang kaligayahan ni Direk Joey at ng cast na iso-showing pa sa mas maraming sinehan simula Aug. 22, nabigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula.

Wala mang talent fee na tinanggap sina Juday, Iza, Janice, at Agot sa kanilang respective roles, hindi mapapantayan ng pera ang kasiyahan na kanilang nadarama ngayon.

“More than our roles in the movie, we had fun doing it with Direk Joey and the rest of the cast,” pagtatapat ni Janice.

Samantala, isa sa mga personal na “lihim” na isinawalat ni Direk Joey ay ang kanyang pangarap na magtayo ng isang film writing school para sa mga aspi­ring filmmaker at TV-movie writer.

Janice tambak ng trabaho

When it rains, it pours! Ito ang nangyayari ngayon sa ex-wife ni John Estrada na si Janice de Belen na napakarami ng projects hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula. 

Napasama siya sa box-office hit at critically-acclaimed movie na The Healing na pinagbidahan ni Gov. Vilma Santos-Recto at nasa Cinemalaya entry nga na Mga Mumunting Lihim kung saan siya nanalo ng mga award sa Cine­malaya. 

May dalawa pa siyang pelikulang naka-can ngayon, ang Pridyider at Tiktik: The Aswang Chronicles. May dalawa siyang sinu-shooting na pelikula para sa Metro Manila Film Festival, ang The Strangers at Shake, Rattle & Roll 13 na pinamamahalaan ni Chito Roño na siya ring nagdirek ng The Healing. 

Sa TV naman, meron siyang talk show sa Dos tuwing Sabado ng hapon at ang bagong ginagawang teleserye na Ina, Kapatid, Anak. Dahil sa pagiging super busy ngayon ni Janice, aminado ang separadang aktres at TV host na wala siyang love life ngayon na hindi naman isyu sa kanya.

Si Janice ay isa sa pinakabatang grandmother sa showbiz dahil may apo na siya sa kanyang panganay (kay Aga Muhlach) na si Iggy Boy.

Joey G. tagumpay sa pagso-solo

Kung hindi pa ako kinulit ng anak kong si Aila Marie ng ticket para sa solo concert ng lead vocalist ng Side A na si Joey Generoso sa Music Museum last Wednesday evening ay hindi ko malalaman ang tungkol dito kaya at the last minute ay naghagilap ako ng ticket. Thanks sa wife ni Joey G. na si Girlie who gladly accommodated us and we’re happy na napanood namin ito. 

The solo concert na pinamagatang Joey G…Stand na siya ring titulo ng kanyang solo debut album under Warner Music was successful sa kabila ng masamang panahon. Isang patunay na may strong following na talaga si Joey G. bilang frontman ng most successful and longest-running band sa Pilipinas, ang Side A.

Naging special guest ni Joey sa kanyang Joey G…Stand solo concert si Karylle. Panauhin din ang original band member ng Side A na isa na ngayong haciendero, si Joey Benin, at ito ang dahilan kung bakit niya iniwan ang Side A in 2008. Kahit limang taon nang wala sa limelight si Joey B., naroon pa rin ang kanyang kakaibang charisma, magic at husay sa pagkanta at pagtugtog ng gitara. 

Si Joey B. ang original composer ng maraming hits ng Side A at kasama na rito ang signature hit ng grupo, ang Forevermore na kinanta nilang dalawa ni Joey G. sa concert. Nag-duet sina Joey G. at Karylle ng I’ll Be Waiting at kinanta rin ni Joey G. ang ilang cuts ng kanyang Stand album tulad ng 1,000 Miles a Minute at Stand.

Kahit nagso-solo na si Joey G. in some of his gigs, kasama pa rin siya sa Side A.

Kris at Aljur totoong nagkarelasyon pero nabitin

Muling bubuhayin ng GMA 7 ang tambalan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa local remake ng Ko­reanovela na Coffee Prince. Parehong excited sina Kris at Aljur sa kanilang balik-tambalan lalo’t ma­ta­­gal-tagal na rin silang hindi nagkakasama. Kung noon ay naudlot ang relasyon ng dalawa, matuloy ka­ya ito ngayon dahil sa pagkakaalam namin ay wa­la na sina Aljur at dalaga ni Robin Padilla na si Kylie Padilla at si Kris naman ay hindi pa officially on kay Carl Guevarra.

Although walang inamin noon sina Kris at Aljur kung naging sila, may mga nagsabi na naging sila pero shortlived lang ang kanilang naging relasyon.

DIREK JOEY

JANICE

JOEY

JOEY G

KANYANG

SHY

SIDE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with