^

PSN Showbiz

Solenn walang angal nang palusungin sa baha!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Nakita namin sina Direk Soxie Topacio at Rams David sa presscon ng Bona dahil ang una ang direktor ng stage adaptation ng pelikula ni Nora Aunor at ang huli naman ay binili ang Aug. 26, Sept. 14, and 15 run ng stage play under his RLD Productions.

Nalaman namin sa dalawa na hindi na Sa ’Yo ang Pritil, sa Akin ang Bangkusay ang title ng movie nina Jose Manalo at Wally Bayola under APT Entertainment. Marami raw ang hindi na alam ang mga lugar na ’yun sa Tondo, Manila kaya ginawa nilang Ikaw Na, Da Best Ka! na Sept. 5 na ang playdate.

Puring-puri ng dalawa si Solenn Heussaff na walang kiyeme at kahit anong ipa­gawa ay game. Lumusong ito sa baha na hanggang binti at walang na­rinig na reklamo. Kabilang sa may cameo role sa movie sina Eddie Garcia, Vic Sotto, Roderick Paulate, Maricel Soriano, Aljur Abrenica, at Joey de Leon.

Young actor na naudlot ang relasyon sa kapareha, ibinaling ang panliligaw sa kaibigan ng una

Tama ang nasulat namin dati na panliligaw ng young actor (YA1) sa kasamang young actress (YA2) pero hindi nauwi sa relasyon ’yun dahil marami ang kumontra. May ibang ka-love team si (YA2), samantalang hinahanapan pa ng kapareha si YA1.

Six months din tumagal ang panliligaw ni YA1 kay YA2, nakakapag-dinner sila, nakakapag-malling at nabibisita ni YA1 si YA2 sa bahay nito. Palihim nga lang. Hindi sila lumalabas na sila lang, laging may kasama si YA2. Ang mali nila, sa mataong Tomas Morato sa Quezon City na pugad ng mga reporter sila madalas rumampa kaya nakikita ng press. Madali tuloy nabuking ang paganda na sana nilang relasyon.

Bigla na lang huminto sa panliligaw si YA1 at hindi na inalam ni YA2 kung bakit. Ngayon, sa kaibigang young actress (YA3) nanliligaw si YA1. Ayaw mag-comment ni YA2 tungkol dito at ayaw din niyang magtanong sa kaibigan. Pero tiniyak ni YA2 na hindi nila pag-aawayan ni YA3 na sa kanya na nanliligaw si YA1.

Bea nanginig sa album

 “Singer at recording star na ako,” bati sa amin ni Bea Binene sa launching ng kanyang Hey, It’s Me! Bea album from Galaxy Records and distributed ng PolyEast. Two years ang kontrata ni Bea sa Galaxy. Nagta-try din siyang magsulat ng songs.

All-revival ang five-track album na Urong Sulong ang carrier single. Kasama rin ang title-track, Sayang na Sayang. Solo niya ng Mahal Kita Walang Iba at duet nila ni Jake Vargas ng same song. May kasamang minus one ng five tracks ang album para mag-sing-a-long kayo.

Kuwento ni Bea, nanginig siya sa first day recording session niya at kinaba­han din nang unang mag-promote ng album sa Startalk. Ang Sayang na Sayang ang favorite niya dahil alam niya ang songs at confident siyang kantahin.

Balita rin ni Bea, baka sa Aug. 27, ang last taping day nila ni Barbie Forteza sa Luna Blanca. Wala pa siyang alam na next soap pero baka makasama sa Co?o Problem, entry ng GMA Films sa December filmfest na baka gawing Sosyal Problem.

Mga kanta ni Julie Anne marami ring download sa ibang bansa

Hindi lang sa Pilipinas may fans si Julie Anne San Jose at patunay ang pagpasok sa iTunes Taiwan, Hong Kong, Singapore, Malaysia, at Thailand ng kanyang self-titled album. Hindi alam kung mga Pinoy din based sa mga nabanggit na bansa ang nagda-download ng songs ni Julie Anne sa iTunes, ang importante, pasok ang debut album niya under GMA Records.

Ang hindi makapag-download, hinihintay ang release ng physical album ni Julie Anne sa Aug. 18 and the following week pa sa provinces. Mabibili ang album sa Astroplus at Astrovision outlets.

ALBUM

ALJUR ABRENICA

ANG SAYANG

BARBIE FORTEZA

BEA

BEA BINENE

DA BEST KA

JULIE ANNE

YA2

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with