MMDA na sinapak, dadatungan ni Arnell Ignacio!
Dumarami na ang sumusuporta sa campaign ni Arnell Ignacio na bigyan ng ‘treat’ ang MMDA traffic enforcer na si Saturnino Fabros.
Nanguna si Arnell sa paglikom ng datung na ibibigay kay Fabros, ang MMDA traffic enforcer na sinapak ng isang Robert Carabuena. Naisip ni Arnell na tulungan si Fabros para makatikim naman ito ng kaginhawahan sa buhay. Nahabag si Arnell nang malaman niya na anim ang anak at maliit lang ang monthly salary ng traffic enforcer.
Hindi nabigo si Arnell dahil mga kapwa artista ang nag-promise na magbibigay ng financial help kay Fabros.
Kumalat naman kahapon ang balita na sinusupinde sa trabaho si Robert Carabuena dahil sa pagmumura at pananakit niya kay Fabros.
Empleyado si Carabuena ng isang tobacco company at take note, sa HR Department ang destino niya pero maigsi ang kanyang pasensiya. Suspended si Carabuena habang iniimbestigahan ang pananakit niya kay Fabros. Sinampahan na rin siya ng MMDA ng kaso ng direct assault. Ang MMDA ang nagsampa ng kaso dahil on duty si Fabros nang mangyari ang insidente.
Kung marami ang nagtatanggol kay Fabros, may kumakampi rin naman kay Carabuena. Sila ang mga kaibigan na nagsasabi na biktima si Carabuena ng cyber bullying dahil grabe ang mga batikos sa kanya sa Twitter at Facebook.
Kung hindi naman nanakit si Carabuena, hindi siya makakatikim ng mga banat ‘no! Paano kung hindi nakunan ng video ang pang-ookray niya kay Fabros? Eh di tapos na ang kaso!
Nakakalokang isipin na very resourceful ang mga nakikisimpatiya kay Fabros. Deactivated na ang Twitter at Facebook accounts ni Carabuena pero kumalat pa rin ang mga litrato niya. Bale ba, kontrabidang-kontrabida ang itsura ni Carabuena sa kanyang mga picture na kumakalat sa Internet.
Pati ang cell phone number niya na postpaid line, na-research ng mga tao. Higit sa lahat, “Barney” na ang tawag kay Carabuena dahil kulay lavender ang T-shirt na kanyang suot nang sapakin niya si Fabros.
Kawawang Barney dahil pati siya, ikinukumpara kay Carabarney.
Ay Carabuena pala! Please lang, huwag nating insultuhin ang cartoon character na favorite ng mga bagets ‘no!
Nahuli dahil sa media
Malaking tulong ang media kaya nadakip uli si Rolito Go na na-Luz Valdez mula sa New Bilibid Prisons noong Miyerkules ng gabi.
Nahuli na si Rolito at ang kanyang pamangkin at pinanindigan nila ang kuwento na kinidnap sila sa loob ng bilibid.
Nakataas ang kilay ng lahat dahil hindi believable ang pralala ng magtiyo na na-locate agad dahil hindi sila tinantanan ng mga reporter.
Maya’t maya ang mga report sa TV at radio tungkol sa misteryosong pagkawala ni Rolito na always on the go!
Amy nagpapasalamat sa mga pumupuri
Ako na ang magpapasalamat para kay Amy Austria na natutuwa sa mga positive feedback na natatanggap niya sa kanyang performance sa Lorenzo’s Time ng ABS-CBN.
Pinupuri si Amy dahil sa kanyang bonggang role sa Lorenzo’s Time. Kontrabida ang role ni Amy pero hindi siya ang tipo ng kontrabida na kinabubuwisitan at isinusumpa. Flattered din si Esmeng dahil sa mga comment na hindi nagkakaedad ang kanyang itsura as in lalo pa siyang gumaganda.
- Latest