Julia, sangkot sa bawal na pag-ibig?
MANILA, Philippines - Nilinaw kamakailan ng Walang Hanggan actress na si Julia Montes ang bali-balitang magkarelasyon na sila ng The Reunion co-star niya na si Enchong Dee. Ayon sa Kapamilya actress, wala pa sa isip niya ang pakikipagrelasyon.
“Mahirap po kasi na magkaroon ng boyfriend sa ngayon, mahirap po na baka ma-divert ang attention ko, kaya focus po muna ako sa work,” ani Julia. “Hindi ko naman po sinasabing walang pag-asa si Enchong kasi mabait siya, may pinag-aralan, at mapagmahal sa family. Masasabi ko naman po na boyfriend-material siya.”
Kuwento ni Julia na magde-debut na sa Marso 2013, simple lang ang mga hinahanap niya sa isang lalaki. Aniya, “Gusto ko ‘yung sobrang maalaga sa family, may takot sa Diyos, at ‘yung taong love ako dahil sa kung ano at sino ako, hindi ‘yung babaguhin ako.”
Samantala, tulad ni Julia, humaharap din sa pagsubok sa larangan ng pag-ibig ang kanyang karakter sa Walang Hanggan na si Katerina. Ngayong nakalayo na siya sa kanyang asawang si Nathan (Paulo Avelino), handa na bang panindigan ni Katerina ang ‘bawal na pag-ibig’ nila ng kababatang si Daniel (Coco Martin)?
Magtatagumpay ba siya sa planong hiwalayan si Nathan? Ano ang gagawin nina Daniel at Katerina kapag natagpuan na sila ni Nathan?
- Latest