Janice natameme nang tanungin... John Estrada, hindi pa rin nagbibigay ng datung sa mga anak
Missing sina Agot Isidro at Iza Calzado sa presscon ng Mga Mumunting Lihim dahil may mga taping sila.
May taping si Agot para sa One True Love at working si Iza sa set ng Kahit Puso’y Masugatan.
Sina Judy Ann Santos, Janice de Belen at ang Mga Mumunting Lihim director na si Joey Reyes ang dumalo sa presscon. Umalis agad si Janice dahil may appointment pa siya pero narinig ko ang sagot niya sa reporter na nagtanong kung nakakatanggap ng sustento ang kanyang mga anak mula kay John Estrada.
Hindi sumagot ng oo o hindi si Janice. Bahala na raw na mag-conclude ang curious na reporter. Kung ano ang conclusion ko? “Hindi” ang sagot dahil napakadali na sagutin ng oo ang tanong kay Janice pero pinili nito na maging mumunting lihim ang kanyang reaksiyon.
Dalagang-dalaga naman ang itsura ni Juday sa presscon ng Mga Mumunting Lihim. Ang sabi ng mga reporter, mas maganda ngayon si Juday kesa noong wala pa siyang asawa at anak.
Natawa ang lahat sa sagot ni Juday nang tanungin ito ni Mama Aster Amoyo kung may munting lihim siya. Ang sagot ni Juday, wala siyang munting lihim bilang si Alfie Lorenzo ang kanyang manager.
Bossing ng Octo Arts interesado sa Stem Cell
Nilapitan ako ni Boss Orly Ilacad ng Octoarts Films sa presscon ng Mga Mumunting Lihim dahil inusisa niya ako tungkol sa stem cell therapy.
May kutob ako na type rin ni Boss Orly na sumailalim sa stem cell therapy kaya nagtatanong siya tungkol sa epekto ng procedure na ginawa sa akin noong July.
Mukhang satisfied naman si Boss Orly sa mga kuwento ko sa kanya kaya hindi ako magugulat kapag nabalitaan ko na bumiyahe siya sa Germany para sa stem cell therapy.
Pagkidnap kay Rolito very cinematic
Parang kuwento ng isang pelikula ang balita na nawawala si Rolito Go sa kulungan niya sa New Bilibid Prisons mula pa noong Martes ng gabi. Nakakaloka ang pralala na kinidnap si Rolito sa loob ng NBP. Puwede ba ‘yon? Very cinematic ha?
More than 18-years nang nakabilanggo si Rolito dahil sa pagpatay niya kay Eldon Maguan noong 1991.
Road rage incident ang ugat ng pagpaslang ni Rolito kay Maguan at tumakas na siya noon mula sa kulungan pero nahuli rin. Pinaiimbestigahan na ni P-Noy ang “pagkidnap” kay Rolito sa loob ng NBP, isang pangyayari na napakahirap paniwalaan. Only in the Philippines talaga!
Nanapak sa MMDA traffic enforcer biglang sumikat
Nakakatulog pa kaya nang mahimbing si Robert Carabuena? The who si Robert? Siya ang tobacco company executive na sumapak sa MMDA traffic enforcer na si Saturnino Fabros.
Headline si Robert sa mga TV at radio news program dahil sa kanyang hindi makatao na pananakit sa kawawang traffic enforcer na may anim na anak. Nasaktan at pinahiya man si Fabros, masuwerte pa rin siya dahil nakunan ng video ang pang-aabuso sa kanya ni Carabuena.
Malinaw na malinaw ang video na ipinalabas sa TV kaya walang kawala si Carabuena na binabatikos nang todo kaya good luck sa kanyang wish na makatulog nang mahimbing.
- Latest