Magbabanggaan sa takilya kahit may bagyo, Reunion at One Summer naka-B

Magkaibang-magkaiba ang dalawang Tagalog film na ipalalabas ngayong araw sa maraming sinehan – The Reunion (Star Cinema) at One Just Summer (GMA Films) – na sana ay ’wag bagyuhin.

Parehong naka-B (60% tax rebate) ang dalawang movie sa Cinema Evaluation Board.

Ang The Reunion, mabilis ang phasing at marami ang bidang bagets – Xian Lim, Enchong Dee, Kean Cipriano, Enrique Gil, Jessy Mendiola, Julia Montes, Meagan Young, Bangs Garcia at Gina Pareño.

Nakakagulat na maganda ang The Reunion – coming of age — at nakadagdag ang mga kanta ng Eraserheads na ginamit sa movie para lalong mas panoorin ito. Pati direction para sa baguhang si Frasco Mortiz, aba bongga.

Ang Just One Summer naman ay problema sa pamilya ang main issue ng ng bidang na Elmo Magalona at ang tungkol nga sa love story nila ni Julie Anne San Jose.

More on Elmo ang movie. Siya ang lumabas na bida bilang anak na maldito dahil sa pang-iiwan ng kanyang ama sa kanilang mag-ina.

Bongga ang support na sina Alice Dixson, Joel Torre and Cherry Pie Picache.

Pero ‘yun nga. Magkaiba talaga ang The Reunion and Just One Summer, so hindi puwedeng ikumpara.

So sugod na sa mga sinehan para parehong kumita.

Isa pang pelikulang maganda na ipalalabas naman next week ay ang Mga Mumunting Lihim, pelikula ni Direk Jose Javier Reyes. Wow. Ang ganda. Grabe. Graded A naman ito ng CEB.

Deserving talaga sina Judy Ann Santos, Agot Isidro, Janice de belen, and Iza Calzado sa ensimble best actress award sa Cinemalaya Independent Filmfest.

Walang itulak-kabigin sa kanilang apat though lutang ang acting ni Judy Ann na namatay sa movie.

Pero pinaka-defining moment ng movie ay nang nagmumurahan sa restaurant ang tatlong bida na sina Agot, Janice and Iza.

Panoorin n’yo na lang bilang magkakaroon ito ng commercial exhibition.

Kuwento ng magkakaibigan na may kanya-kanyang lihim na nabunyag sa diary ni Judy Ann (Mariel) matapos itong mamatay sa cancer. Pang-award.

Hmmm, may masasabi kaya dito si Tito Alfie Lorenzo?

 

Abo ni Tito Douglas pagsasama-samahin na para makapahinga!

Finally, pagsasama-samahin na ang abo ng katawan ni Tito Douglas Quijano matapos itong mamayapa three years ago.

Nang mamaalam kasi ang mabait at sikat na talent manager, pinaghati-hatian ang abo ng kanyang katawan pagkatapos siyang i-cremate ng kanyang mga alaga at ilang malalapit na kaibigan. Pero nag-decide si Cong. Lucy Torres-Gomez na pagsama-samahin na ito.

Heto ang text ni Ms. Lucy na ipinadala kahapon:

“Dear all, when tito Dougs passed away in 2009 we all could not let him go completely. Maybe because we wanted something/someone else to cling to (other than each other) most of us found comfort in taking home a little bit of his ashes after he was cremated. Of late though and upon the advise of priest, it seems best to gather all his ashes (or at least as much of it as we can assuming esp we do not miss out on any one of the many that took some home) and place it in columbary. That way, he will be included in the daily masses said for the dead, and his remains kept sacred.

“So please join us for the final burial rites of our dearly loved tito Dougs, on Thursday (August 16) at 11:00 a.m., St. Therese Columbary, St. Therese Church, Resorts World just beside McDonalds. There will be mass and then we all have lunch together after.

“Please be on time and pls bring his ashes (if you are one of those that have it).

“God bless us all. Saan tayo nakakita ng namayapa na gumagala-gala muna ng 3 years bago mag-talagang rest in peace.”

Show comments