Nakita na namin ang baon ni Iza, brown rice, vegetables, fish and fruits ang kinakain nito sa taping. Ang snack ay nuts (nakakain pa kami minsan), ang hirap gayahin kung sanay ka sa fried, battered at masasarap na luto ng pagkain.
Si Iza pala muna ang papalit kay Sen. Chiz Escudero bilang co-host ni Kris sa Kris TV habang nakaburol ang ama ng senador. Sa Thursday na raw magsisimulang mag-taping ni Iza.
Samantala, nag-a-alternate si Kris sa taping ng teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw at Kris TV. Wala pa sa schedule niya ang shooting ng movie nila ni Piolo Pascual at shooting ng MMFF entry nila ni Vice Ganda.
Regine iniyakan ang sakit ng ama
Umiyak si Regine Velasquez nang kantahin sa Party Pilipinas last Sunday ang You’ll Never Know dedicated to her parents. Emotional si Songbird dahil galing sa sakit ang amang si Mang Gerry Velasquez. Sa H.O.T. TV, nabanggit nitong nalulungkot siyang makita ang ama na humihina lalo’t sanay siyang kasama ito na masigla at lahat ay kinakausap.
“Suddenly… . Magpalakas ka pa, marami pa tayong pagsasamahan,” mensahe ni Regine sa ama.
Sa interview kay Ogie sa Ryu Ramen & Curry Japanese Restaurant nila ng apat pang kaibigan, nabanggit na bumaba ang potassium ni Mang Gerry kaya naospital. Kasabay na naospital ng kanyang father-in-law ang dad niya dahil naman sa tumaas ang blood pressure.
Kaya ang wish ni Ogie sa in-laws at sa parents niya ay magpalakas at mag-iingat. Naikuwento na rin ni Ogie na sa November 28, 80 years old na ang mother niya, kaya kinu-consider niyang double milestone ang birthday niya sa August 27 (he’s turning 45) at ang birthday ng mom niya.
Incidentally, parehong may movies sina Regine at Ogie. Mauunang ipalabas ang I Do Bidoo Bidoo ng Unitel Productions, kung saan kasama si Ogie. Sa September, showing ang Of All The Things ng Viva Films at bida sina Regine at Aga Muhlach.
Nabanggit ni Alden Richards sa isang press visit sa taping ng One True Love na naririnig niyang may next project na sila ni Louise delos Reyes dala siyempre ng success ng kanilang soap, kaya masaya ito.
Ang nabalitaan naming next project nina Alden at Louise ay Mariposa raw ang title, fantaserye at naalala naming na-plug na a few months ago ng GMA 7.
Na-wish din ni Alden ng another movie project para sa kanila ni Louise, pagbigyan kaya sila ng GMA Films?
Bakit nga hindi sila isama sa two movies na gagawin ng film company this year para masubok ang lakas.
Guni-guni parang black swan
Bata pa at hip si Tara Illenberger, director ng Guni Guni ng Regal Entertainment na showing sa August 22. Mahiyain pa si direk dahil after ng Q&A sa presscon ng said movie, nag-fly na siyang bigla, hindi na nakausap ng press.
Basta ang sinabi nito, she was asked by Roselle Monteverde kung may ready script, ang dami raw niyang story at ang script ng Guni Guni ang nagustuhan. Malaking influence sa story ng movie ang Black Swan ni Natalie Portman.
Tungkol sa cast, tinanong siya kung sino ang perfect sa role ni Mylene, wala siyang maisip, unang ibinigay si Jennylyn Mercado, pero nagkaroon ng reshuffle na para sa kanya, blessing in disguise.
“Very expressive ang eyes ni Lovi, ang kulo niya sa loob, sa eyes niya nakikita. Sa eyes pa lang, alam na at gusto ko nakaka-acting ang mga mata. Benjamin (Alves) is refreshing, relatively bago, pero ibinigay niya ang gusto ko. I know Empress (Shuck) is very busy, pero ‘pag take, full energy siya at taas ng performance level. I have a good cast thank God!” sabi ni direk Tara.