Demandahan nina Annabelle at Nadia, magiging nationwide!

PIK: Bukas na ang showing ng Just One Summer at nape-pressure na ang magka-love team na Elmo Magalona at Julie Ann San Jose.

 “Dito nga po masusukat ang love team namin. Basta ginawa lang naman po namin ang best namin para ma­ging maganda ’yung kakalabasan ng movie,” pahayag ni Julie Ann.          

Sabi naman ni Elmo, marami silang mapapanood sa pelikulang ito na hindi pa nila napanood sa Together Forever at sa Party Pilipinas.

 “Usually po ’yung mga ginagawa namin puro pakilig lang. ’Yung ginagawa namin dito sa movie ay very heavy. It’s a different side na rin of the JuliElmo love team.

 “’Yun talaga ang isa naming objective para maengganyo ng mga tao na panoorin siya. Different siya sa mga nagawa namin before,” paliwanag ni Elmo.

Kagabi ang premiere night nila sa Cinema 9 ng SM Megamall at dinagsa ito ng fans nila na ’di magkamayaw sa katitili sa kanilang kilig moments.

PAK: Nag-iyakan na ang mga protégé na napasama sa bottom pagkatapos nilang mag-perform sa gala night ng Protégé: The Battle For the Big Artista Break.

Bawat team kasi ay merong napiling nasa bottom two kaya sa limang teams ay sampu na agad ang nasa bottom na maaaring matanggal ang isa sa kanila.

Pero mas apektado ang mga mentors nila at nahirapan silang tanggapin na ganun talaga ang rules.

“Hindi ko lang kasi maintindihan talaga bakit bottom two agad. Paano kung mahusay naman silang tatlo?” himutok ni Gina Alajar na mentor ng Southern Luzon.

“Ganun talaga ang rules eh. Dapat nating tanggapin. Pero masaya ako sa performance ng mga protégé ko. Dapat lalo pa nilang galingan sa susunod na gala night,” pahayag naman ni Phillip Salvador na mentor naman ng Min­danao.

Magpi-perform uli sila sa susunod na Linggo at doon huhusgahan kung sino ang posibleng matanggal.

BOOM: Hindi natuloy ang hearing nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro kahapon ng umaga dahil sa na-promote pala ang judge na didinig ng kasong grave oral defamation at unjust vexation na isinampa ni Nadia kay Tita Annabelle.

Dapat ay arraignment iyon ni Tita Annabelle pero ang pagkakaalam namin nasa Amerika pa ito at nakatakdang bumalik ngayong linggo.

Ang latest na narinig namin, tuloy pala ang pagsampa ni Tita Annabelle ng kasong libel laban kay Nadia sa Cebu.  

Haharapin naman niya ito at mukhang may buwelta rin sila dahil balak naman ni Boy Asistio na magsampa ng isa pang kaso na ipa-file naman niya sa Bicol.

Nakakaloka na at mukhang nationwide na ang tatakbuhin ng mga kaso nilang dalawa.

Show comments