Dahil sa retoke butas ng ilong ng aktres halos hindi na makita

Maraming nanghihinayang sa magandang muk­ha ng aktres na nagparetoke pa ng mukha samantalang maganda at maamo na ang mukha niya.

Ngayon ay hindi siya makilala dahil pinaayos na ang kanyang ilong na sa sobrang tangos ay halos hindi na makita ang dalawang butas.

Maging ang kanyang labi ay hindi nakaligtas. Hindi naman niya ginaya ang labi ni Angelina Jolie, sa halip ay pinanipisan niya nga na sa sobrang nipis na parang wala namang lips. Tumapang ang ganda niya at kapag nasasalubong ito ay wala nang nakakakilala sa kanya.

Sayang ang natural na kagandahan.

Empress minulto sa shooting

Puring-puri si Empress ng mga kasamahang artista sa Guni-Guni dahil walang kapaguran ang aktres nung shooting at hanggang nagpo-promote na ng pelikula.

Naikuwento ng young actress na merong kababalag­hang nangyari noong nasa location siya. Habang nasa loob ng kotse ay may tumawag sa kanyang kaibigan at niyaya siyang lumabas after ng shooting niya. Pumayag naman ang aktres.

Makalipas ang isang oras ay tinawagan niya ang kaibigan para kumpirmahin ang kanilang lakad. Pero laking gulat ni Empress nang malamang hindi naman tumawag sa kanya ang kaibigan.

Kinilabutan siya at itinanong sa sarili kung sino ang mahiwagang boses na kausap niya.

Sa kabilang banda, si Empress ay natakot din sa mga eksenang ginawa niya kahit shooting lang ’yun. Lalo na nang lagyan ng special effects ang mga eksena, mas matindi ang dating.

Palabas na ang Guni-Guni sa Agosto 22, mula sa direksiyon ni Tara Illenberger at handog ng Regal Entertainment, Inc.

Benjamin ‘di nahirapang umarte

Ayon sa direktora na si Tara Illenberger, madaling makuha ng baguhang aktor na si Benjamin Alves ang kanyang mga instruction at nakakaarte naman.

Kahit sa maiinit na eksena nila ni Lovi ay hindi naman naiilang si Benjamin dahil maganda ang working relationship nila ng aktres. Sabi nga ni Lovi ay magaling ang kapareha niya at professional pa.

Maraming nagsasabi na malayo ang mararating ni Benjamin dahil mahal niya ang trabaho.

Show comments