Pauleen naloko ng architect pinagagawang bahay matatagalan pa bago malipatan, nag-react din sa 'pag-amin' ni Vic Sotto sa kanilang relasyon
PIK: Successful ang blood-letting program ni Marian Rivera na ginanap sa Ever Gotesco Commonwealth, Quezon City nung kamakalawa ng hapon.
Nung pinuntahan ito ng Startalk, ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz na dumating para magbigay ng entertainment ay sina Rocco Nacino, Betong Sumaya, at ang grupong Down to Mars.
Mga dugo lang naman ang gustong regalo ni Marian sa kanyang kaarawan. At least, naging makabuluhan ang pag-celebrate ng kanyang birthday dahil marami ang nag-donate ng kanilang dugo.
Kahapon din ay sinelebreyt ni Marian ang kanyang 28th birthday sa Party Pilipinas at pagkatapos nito ay nagsimba siya kasama ang kanyang pamilya at si Dingdong Dantes.
Kinagabihan ay nagpa-dinner lang ito kasama ang kanyang pamilya, at si Dingdong ay sumunod lang pagkatapos ng gala night ng Protégé: The Battle For the Big Artista Break.
PAK: Marami ang nagulat sa reaksiyon ni Vic Sotto nang magpahalik itong host ng Eat Bulaga Indonesia na si Uya Kuya kay Pauleen Luna.
Sabi ni Bossing Vic, “There is a saying here, ang kay Pedro, kay Pedro.”
Hindi siyempre aware si Uya Kuya tungkol kina Bossing Vic at Pauleen kaya nagtataka ito bakit nagtawanan ang mga tao.
Natawa na lang si Pauleen na nung hiningian namin ng reaksiyon, sumagot lang ito ng “ewan ko sa kanya!”
BOOM: Naloko pala si Pauleen Luna ng kanilang architect kaya baka medyo matatagalan pa raw bago sila makalipat sa bagong bahay nila.
Hindi na alam ni Pauleen kung ano na ang nangyari kasi ang mommy niya ang nag-aasikaso nun.
Ang pagkakaalam niya ay okay na pero hindi na nagpakita sa kanila itong architect.
Pero hindi naman sila nagmamadaling lumipat dahil mabuting matingnan muna nila nang mabuti bago nila ito lipatan.
Mas kinakarir ni Pauleen na pagandahin pa lalo ang kanyang kuwarto.
- Latest