Pirated copy ng The Healing malinaw na napapanood sa Internet; Charice ginagawang katatawanan ang hitsura

SEEN: Napapanood na sa Internet ang pirated but clear copy ng The Healing ng Star Cinema na showing pa rin sa mga sinehan.

SCENE: Ang live telecast ngayong madaling-araw ng TV5 sa closing ceremonies ng London Olympics 2012.

SEEN: Natalsikan si Zsa Zsa Padilla ng laway ni Martin Nievera dahil sa OA na pagsasalita nito kahapon sa ASAP 2012.

SCENE: Ayaw ni Charice na binabatikos siya ngunit ginagawa niyang katatawanan ang kanyang hitsura.  

Walang may gusto na gayahin ang porma ni Charice sa The X Factor Philippines noong Sabado.

SEEN: Tumangkad at hindi na punggok sa paningin si Jake Vargas dahil sa kanyang new hairstyle.

SCENE: Magkapareho ang opening number ng ASAP Rocks at Party Pilipinas dahil inialay nila sa mga biktima ng baha ang kanilang show kahapon.

SEEN: Below the belt ang mga batikos kay Armida Siguion Reyna dahil sa kanyang artikulo laban sa mga tao na hindi pabor sa RH Bill.

SCENE: Successful ang concert ng Tears for Fears sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes. 

Nag-donate ang Tears for Fears sa Philippine National Red Cross para sa flood victims.    

Show comments