Ipinagbibili ngayon ng mas mura... Mga magazine na cover ang award-winning actress nilangaw sa bookstore
Hindi pala masyadong nabenta ang mga magazine kung saan cover ang beteranang aktres.
Ang pruweba: Ang discounted prices ng kopya ng magazines sa bookstore na karamihan sa ibinibenta ay mga lumang libro at magazine.
At hindi lang isang magazine ha? Dalawang magkaibang magazine na cover ang award-winning actress ang nakita kong mas mura nang ipinagbibili.
Parehong glossy ang kopya na half the price na ang presyo ngayon.
Meaning, hindi na talaga interesado ang mga tao sa nagbabalik-showbiz na aktres, kasi kung na-excite sila, bakit hindi bumenta ang mga magazine na siya ang cover?
Ito kaya ang rason kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang trabaho sa kanyang network samantalang tuloy ang pasuweldo sa kanya bilang guaranteed ang contract sa network na kumupkop sa kanya?
Saan na ang mga fans club na maingay at mahilig magsasagot sa mga intriga?
Marian sobra-sobra ang biyaya
Tagumpay ang ginanap Philippine National Red Cross Blood Donation Drive na pinangunahan ng reyna ng Kapuso Network na si Marian Rivera last Saturday.
Hindi man siya personal na nakapag-donate kung saan mas pinili niyang gunitain ang kanyang 28th birthday, marami naman ang dumayo para magbigay ng dugo nila.
Bukod sa pagtulong na makapangalap ng dugo na puwedeng itulong sa mga nangangailangan, nauna nang lumusong sa baha ang girlfriend ni Dingdong Dantes kung saan namahagi sila ng tulong sa mga biktima ng katatapos lang na hagupit ng habagat.
“Nagpunta ako rito para tumulong sa kanila, magbigay ng pagkain at para maiparamdam sa kanila na anuman ang nangyari, nandiyan ang Red Cross para sa kanila.
“Sobra-sobrang biyaya ang ipinagkaloob sa akin ni Lord. Kaya naman ngayong taon ay gusto kong maging makabuluhan ang selebrasyon ng aking kaarawan. Masarap sa pakiramdam na makatulong sa aking kapwa kahit sa mga simpleng paraan gaya nito,” sabi pa niya sa isang interview.
Sarah ‘Ginamot’ ang puso sa Hong Kong
Bukod kay Marian, isa pang nakiisa sa maraming artistang tumulong para sa mga sinalanta ng habagat ay ang pop superstar na si Sarah Geronimo.
Straight from Hong Kong kung saan nagbakasyon siya after ng matagumpay niyang concert sa Smart Araneta Coliseum, ang 24/SG, at ang controversial na ‘pagsuko’ ng panliligaw sa kanya ni Gerald Anderson, dumiretso si Sarah sa Sagip Kapamilya relief operations na ginanap sa Fairview, Quezon City. Isa lang ang nasabing lugar sa grabeng pinerwisyo ng malakas na pag-ulan noong nakaraang linggo.
Ipinalabas sa TV Patrol ang pagpunta ni Sarah sa nasabing relief operations.
“Mas nagiging makabuluhan ‘yung pagiging artista natin, ‘yung pagiging singer natin sa mga panahong ganito na nakakatulong tayo sa mga kababayan natin,” sabi niya sa interview ng ABS-CBN new program.
“Pinagpapasalamat po natin sa Diyos, na without doing anything, ‘yung pagngiti mo lang, iba na ‘yung nabibigay mong saya sa mga tao, so grateful tayo sa Diyos na may ganun tayong gift — na nakakapagbigay-inspirasyon sa ibang mga tao.
At nang tanungin siya kung kumusta na ang kanyang puso matapos nga ang maingay na nangyari sa kanila ni Gerald, ang say niya, kakayanin bilang kinakaya nga ng mga Pinoy ang unos na dumarating sa ating bayan.
So, kung galing ng HK si Sarah, meaning nagmuni-muni siya roon at ‘ginamot’ ang umasang puso niya sa panliligaw ni Gerald?
So, by this time, malamang OK na siya at marahil na-realize niya na matalik nga palang kaibigan ni Gerald ang isa pang nagkaroon ng koneksiyon sa kanyang puso na si Rayver Cruz.
Imagine nga naman, baka pinag-uusapan siya ng dalawa bilang madalas silang magkasama.
Anyway, ayon kay Boss Vic del Rosario, may gagawing pelikula si Sarah kasama ang isang sikat na komedyante. Pero ayaw pa niyang pasabi kung sino ’yun. Though sabi pa niya, tuloy naman ang pelikula ng kanyang alaga kasama si John Lloyd Cruz.
- Latest