Noong Sabado ay personal na nagbigay ng tulong si Sarah Geronimo para sa mga pamilyang nasalanta ng matinding pagbaha sa Fairview, Quezon City.
“Dito po masusubukan talaga ’yung pagtutulungan natin. ’Yung unity natin bilang mga Pilipino. Marami na po tayong calamities na ininda, pinagdaanan, magkapit-bisig lang ulit tayo. Magtulungan po tayo. Isantabi po natin ang mga sama ng loob kung ano man po ’yan. Magmahalan po tayo. Magdasal po tayo at wala po tayong pagsubok na hindi kakayanin,” panawagan ni Sarah.
Katulad ng ibang mga artistang nagbigay na rin ng tulong sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan, kakaibang saya raw ang naramdaman ng Pop Princess nang makasalamuha ang mga naging biktima ng naging malawakang pagbaha.
“Siyempre po nakalulungkot na makita sila na ganito pero ’yung nga po ang nakabibilib sa ating mga Pinoy, kahit na ganito ’yung mga pinagdaanan natin, makikita mo sa mukha ’yung pag-asa, sa mga mukha nila may mga ngiti na hindi nawawala,” paliwanag ng dalaga.
Gab nabago ng karelasyon
Hindi man direktang umaamin ay masayang-masaya naman ngayon sina Gab Valenciano at Coleen Garcia sa estado ng kanilang relasyon.
“We go out a lot, to begin with, kung itatago naman dapat ’di kami nagsasama anywhere. Kumbaga, bahay lang pero I think it’s about time na, I don’t wanna say anything, I don’t wanna put any label to it, all I can say is we’re happy. Lumalabas kami and I think nakikita naman ng mga tao ’yon. We’re exclusively each other’s personal belonging,” nakangiting pahayag ni Gab.
Ayon kay Coleen ay nakikita naman niyang magtatagal ang relasyon nila ng binata.
“I wouldn’t be in a relationship naman if I didn’t believe that it was gonna go somewhere and right now I’ve never been happier so I really hope that this is it talaga and I believe this is it,” makahulugan pahayag ni Coleen.
“Lahat naman tayo when we fall in love of feel for someone, ’di naman ine-expect na let’s give it two months or bigyan natin ng quota, but personally I have also never been happier, not just happier but more secure, inspired, more hard working.
“Even ’yung weaknesses ko nagawa niyang strength so I’m so blessed, not just to have her as we are but as my best friend,” sagot naman ni Gab.
Hindi rin daw apektado si Coleen sa mga isyung naglabasan tungkol sa pagiging babaero diumano ni Gab.
“Normally I’m very careful and maybe if I didn’t know him well enough, I would have been scared and I would have been hesitant but I’ve known him a long time now. We met two years ago and ever since we’ve been close and I know the real Gab,” giit ng dalaga.
Reports from JAMES C. CANTOS