Pagkatapos ng matinding unos, Kapamilya Stars magpapaulan ng kasiyahan

MANILA, Philippines - Matapos ang matinding pagsubok na pinagdaanan ng bansa kamakailan dahil sa malawakang pagbaha, pawang saya at ngiti ang handog ng ASAP 2012 ngayong Linggo (Agosto 12) na hitik sa mga sorpresa at world-class performances na pangungunahan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, at Vina Morales.

Abangan sa ASAP centerstage ang espesyal na handog ng The Reunion cast na sina Enchong Dee at Jessy Mendiola, Xian Lim at Megan Young, Kean Cipriano at Bangs Garcia, at Enrique Gil at Julia Montes; ang kaabang-abang na sorpresa ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban; at ang showdown ng The X Factor Philippines finalists na sina Gabriel, Jerick, Kedebon, Allen Jane, KZ, Joan, Mark, Modesto, at ang mga grupong Daddy’s Home, Take Off, at A.K.A. Jam.

Tuloy-tuloy naman ang sayawan at kantahan sa Sweet 16 birthday celebration ng Aryana lead star na si Ella Cruz kasama sina Paul Salas, Francis Magundayao, at Dominic Roque; na susundan ng paglunsad ng pinakabagong album ni Bryan Termulo kasama ang ASAP Boys R Boys na sina JM de Guzman, Alex Castro, at Markki Stroem.

Tiyak na aapaw ng pag-ibig sa concert stage sa nakakakilig na performance ng ASAP Boyfriendz na sina Daniel Padilla, Khalil Ramos, at Enrique Gil; at sa cute na mother-and-daughter dance number nina G. Toengi at Sakura, at Dimples Romana at Cal sa Step My Step segment.

Mapapabilib naman muli ang lahat sa makatindig-balahibong musical performance nina Billy Crawford, Christian Bautista, Nikki Gil, Yeng Constantino, Marcelito Pomoy, Anja Aguilar, at ASAP Sessionistas.

Samantala, huwag palampasin ang malulupit na dance moves na ipamamalas nina John Prats, Kim Chiu, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Iya Villania, Venus Raj, Empress, at Bugoy sa ASAP dance floor.

GMA Kapuso Foundation tuloy ang pagtulong

Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa pamimigay ng mga relief goods at ibang supplies sa mga napinsala ng matinding pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila at ibang mga karatig na probinsya.

Nakapag-abot na ng tulong sa may 89,636 katao o 4,628 na pamilya ang GMAKF sa Quezon City, Malabon, Marikina, Novaliches, Pasig, Manila, Malabon, Rizal, Bulacan, Pampanga, at Laguna sa pamamagitan ng kanilang Operation Bayanihan project.

Namigay ang Foundation ng mga canned goods, ready to eat items, kumot, damit, diapers, bottled waters, at mga bed sheets.

Ayon sa pinakahuling tala (as of Friday, August 10), nakalikom na ang GMA Kapuso Foundation ng P11,681,920.85 worth of cash donations, at P986,992.34 worth of in kind donations mula sa iba’t ibang donors.

Sa mga nais naman mag-donate ng canned goods, bottled water, sleeping mats, blankets, medicine, at ibang relief items, maaaring dalhin ang mga donations sa tanggapan ng GMA Kapuso Foundation, 2nd floor, Kapuso Center, GMA Network Drive cor. Samar Street, Diliman, Quezon City.

Para sa cash donation, maaari rin mag-deposito sa anumang branch ng Metrobank, UCPB at Cebuana Lhuillier. 

Kuya Kim maghahanap ng multo sa hospital

Hindi pa man Halloween ay maghahasik na ng ka­tatakutan si Kuya Kim ngayong Linggo (Aug 12) dahil sasabak siya sa isang ghost hunting adventure kasama ang PBB teen housemate na si Ryan Boyce sa Matanglawin.

Iimbestigahan nila ang isang abandonadong ospital sa Pampanga kung saan diu­mano’y may namataang mga taong lumu­lutang at mga iyak ng dating pasyente na naririnig sa loob nito.

Para tulungan sila sa kanilang misyon ay sasamahan sila ng Mysterium Philippines na siyang gagamit ng kanilang mga high-tech na kagamitan para mahuli ang bawat galaw, tunog, at maging pakiramdam nila sa loob ng ospital.

Samantala, bubusisiin din ni Kuya Kim ang parehong siyentipiko at relihiyosong paliwanag tungkol sa mga multo at aalamin kung totoo nga ba sila o likha lang ng imahinasyon.

Kilalanin din si Fr. Momoy Borromeo na sa sobrang sanay na makakita at bisitahin ng multo ay naglaan pa ng oras tuwing 3:00 AM para sa mga ito.

Huwag palalampasin ang Matanglawin ngayong Linggo (Aug 12), 9:30 AM sa ABS-CBN.

Mga pride ng pampanga nasa Powerhouse

Tampok sa Powerhouse ni Mel Tiangco ngayong Linggo ang mga higante ng processed meat industry sa Pampanga… ang Pampanga’s Best at Mekeni.

Tunghayan ang inspiring stories ng ilan sa mga ipinagmamalaki ng Pampanga sa Powerhouse ngayong Linggo, Agosto 12 , 9:55 PM pagkatapos ng Reel Time.

Ang Powerhouse ay regular na napapanood tuwing Martes ng gabi, 8:00 pm sa GMA News TV.  

Show comments