Claudine balik-trabaho pero hindi sa GMA 7, sa TV5 na!

Nag-taping kahapon si Claudine Barretto para sa Untold Stories ng TV5 kasama si Jay Manalo. Expired na ang kontrata ng aktres sa GMA 7 kaya walang conflict ang paglabas niya sa show ng Kapatid Network.

Si Vic del Rosario ang kinausap ng TV5 para sa guesting ni Claudine sa Untold Stories at nag-taping na kahapon, Saturday. Sa Marikina ang location ng episode.

Dahil parehong si Boss Vic ang manager nina Maricel Soriano at Claudine, hindi na kami magugulat kung may pinaplano ito at si Ray Espinosa para sa dalawang aktres. Maricel and Claudine in one show? Why not?

Julie Ann suportado ng angkan ng Magalona

Suportado ng buong pamilya ni Elmo Magalona ang showing ng Just One Summer, ang launching movie ng young rapper-actor at Julie Ann San Jose na showing sa Aug. 15.

From Pia to Maxene and Saab (’di namin nasilip ang account nina Frank, Arkin, at Clara), poster ng movie ang DP ng account nila sa Twitter. Buong puwersa rin silang manonood sa premiere night bukas sa SM Megamall.

In fairness, okay ang relasyon ni Julie Anne sa family ng ka-love team.

Samantala, winner ang download ng album ni Julie Ann sa iTunes dahil nag-No. 1 agad sa first day na puwede siyang i-download. Tatlo rin sa songs ng album kasama ang carrier single na I’ll Be There at Enough ay nag-No. 6 sa international iTunes, the only OPM na pumasok sa list.

As of yesterday, numero uno ang album ni Julie Ann sa iTunes at lahat ng songs sa kanyang album ay kasama sa Top 50. Kung kaya ng JuliElmo fans ito, sana magawa rin nilang maging box-office hit ang Just One Summer para hindi lang sila trending sa Twitter at sa iTunes mag-No. 1.

Angeline ginagamit ni Bryan

Kung walang kokontra, puwedeng magka-love life na si Angeline Quinto sa katauhan ni Bryan Termulo na kahit hindi aminin, nagpahalatang type niya ang dalaga dahil paulit-ulit na binanggit ang pangalan. Lahat ng mga dream niya, gustong kasama si Angeline gaya ng major concert at movie break.

Nalaman naming nagkaroon ng “special relationship” ang dalawa. Hindi lang natuloy dahil that time nagpo-promote si Angeline ng movie nila ni Coco Martin. Pinayuhan si Bryan na dumistansiya kay Angeline para hindi magalit ang fans at para hindi siya matawag na gamitero.

Dahil special si Angeline kay Bryan, hindi kami magugulat kung bigyan ng binata ng copy ng second album niyang entitled Hanggang Ngayon. Ilo-launch today sa ASAP 2012 ang album na producer ng BWB Records and Music Productions at distributed ng Star Records.

Vic ibinubunyag na ang relasyon kay Pauleen

’Katuwa si Vic Sotto sa Eat Bulaga kahapon, nag­­pahalata sa relasyon nila ni Pauleen Luna. Nang tawagin si Pauleen ng host ng Eat Bulaga In­do­nesia para lumapit sa kanya at para mag-kiss sa Indonesian host, sabi ni Vic, “Ang kay Pedro ay kay Pedro” at “I’m just warning you.”

Hindi na-gets ng host ang biro ni Vic pero ang audience ay nagtawanan at nagpalakpakan. Kailan kaya aaminin in public ng dalawa ang kanilang relasyon?

Dumalaw ang dalawa sa hosts ng Eat Bulaga Indonesia, naki-jamming kina Vic, Tito Sotto, at Joey de Leon ng Dahil sa ’Yo at nagdala ng relief goods para sa mga nasalanta ng baha.

Show comments