^

PSN Showbiz

'Wig' ni Susan Roces pinagdi-diskitahan ng fans

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinatatanong ng fans kung wig ang gamit ng be­teranang aktres na si Ms. Susan Roces sa Walang Hanggan. Kung totoo raw buhok ‘yun, bakit parang wig? Kung wig naman ‘yun bakit kailangang gumamit eh may totoong buhok naman daw ang aktres?

Palibhasa’y sinusubaybayan ang Walang Hang­gan kaya pati buhok ng isa sa mga bida ng patok na serye, napupuna.

Saka alam n’yo bang maraming naiinggit na ibang datihang aktres kay Susan? Gusto raw nila ng ganung role.

Well, sorry na lang sila nag-iisa lang ang Susan Roces.

GMA 7 Nagbukas ng istasyon sa Bicol

Sa gitna ng malaking kalamidad na naramdaman ng buong Luzon, kitang-kita ang mga Kapuso artist na tumulong sa ating mga kababayan kaya naman ito ang sinisimbulo ng Party Pilipinas sa kanilang Big Time episode.

Ang Big Time rin ay mangangahulugan nang pagbubukas ng bagong GMA TV station sa Legazpi City, Albay at ang big celebration ng Ibalong Festival na ang Party Pilipinas artists ang magpe-perform.

Abangan ang Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang one of a kind birthday celebration at pagbibigay ng espesyal na mensahe ng Kapuso environmental advocate na si Richard Gutierrez.

May mga bago ring segment — bibirit ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa Dear Mr. and Mrs. A; ang mga top diva naman sa VOX Challenge; at magpapasaya ang Last Band Standing.

Panoorin ang patikim ng PP love team na Just One Summer nina Julie Ann at Elmo Magalona. Habang ang My Daddy Dearest stars na sina Ogie Alcasid at Jolina Magdangal ay magpapa­salamat sa kanilang special performance. 

Kaabang-abang din ang kaseksihan nina Solenn Heussaff, Aljur Abrenica, Benjamin Alves, Rocco Nacino, at Enzo Pineda na magdiriwang ng kaarawan sa Sayaw Pilipinas crew.

Ang Party Pilipinas Big Time ay ngayong Linggo na, Aug. 12, sa GMA 7.

Tropang Potchi nag-Circuit Training at Anti-Gravity Yoga 

Ngayong Sabado (August 11), masusubukan ang lakas ng Tropang Potchi sa pamamagitan ng Circuit Training at Anti-Gravity Yoga. Ang circuit training ay isang exercise routine na sa loob ng 30 minutes ay maeensayo na ang buong katawan. Ang Anti-Gravity Yoga naman ay ang nakabitin sa ere habang nagyo-yoga.

Samantala, marami sa mga ka-Potchi ang nahuhumaling sa paglalaro ng computer games, at isa na nga rito ang kaibigan nilang si Drew (Miggs Cuaderno). Kaya naman ang naisip na paraan nina Miggy Jimenez at Julian Trono ay ang hikayating maglaro sa labas si Drew. Dito ay makakasama si Drew sa kuwentuhan ng mga ka-Potchi nang tungkol sa mga naging exercise experience nina Miggy at Bianca Umali .

Mahihikayat nga kaya ng mga ka-Potchi si Drew na maraming mas masayang activities bukod sa paglalaro ng computer?

Kathryn magbabalik-tanaw sa pinanggalingan

Si Kathryn Bernardo ng Princess and I ang nasa cover ng numero unong campus magazine na Chalk.

Magbabalik-tanaw si Kathryn mula noong siya’y isang simpleng batang probinsiyana hanggang sa nagsimulang abutin ang mga pangarap sa pag-aartista.

“Nasa grade two po ako noong pinangarap kong makabilang sa isang shampoo commercial,” sabi ng 16-taong gulang na ngayon at tinagurian nang primetime princess na may 800,000 followers sa Twitter.

Samantala, ipagdiriwang din ng Chalk ang ka­ni­­lang ika-12 taong anibersaryo kung saan 46 na young talents at eight icons ang ibibida nila sa annual feature na Bright Young Manila.

Alamin kung sino ang makakasama rito at aba­ngan ang exclusive na interviews kina Lea Salonga, Rajo Laurel, Chito Miranda, Peque Gallaga, Pandy Aviado, Krip Yuson, Gang Badoy, at Tim Yap. Kilalanin din ang UAAP MVP last season na sina Bobby Ray Parks ng National University at ex-Pinoy Big Brother housemate na si Tin Patrimonio.

Sino ang dapat managot sa mabilisang pagbaha?

 Titignan ni Ted Failon ang kalagayan ng mga informal settler o iskwater na nakatira sa mga estero, na siyang isa sa itinuturong salarin sa pagbaha sa kamaynilaan, matapos ang matinding pagbahang dinanas ng bansa sa nakalipas na mga araw ngayong Sabado (Aug 11) sa Failon Ngayon.

Dalawang linggo ngang nararanasan ng ating bansa ang hagupit ng hanging Habagat kung saan 90% ng Metro Manila ay lubog sa baha at halos dalawang milyong katao sa buong bansa ang apektado ng pagtaas ng tubig sa kani-kanilang lugar. 

Sa ulat na ginawa ni Ted kamakailan natukoy na ang sa pamumutiktik ng informal settlers sa mga estero, pagtatayo ng mga gusali ng gobyerno at pribadong kumpanya sa mga daluyan ng tubig tulad ng ilog kung kaya’t ganun na lang kabilis bumaha sa bansa. Bukod pa riyan ang malaking problema sa mga baradong drainage at waterways.

Muling ring hihingin ng programa ang magkabilang panig ng inirereklamo at nagrereklamo sa dahilan ng pagsisikip ng Marikina River kabilang ang reklamo ng lokal na pamahalaan ng Marikina laban sa Circulo Verde project sa Quezon City.

Sinu-sino ang mga kababayan nating labis na naapektuhan ng banat ni Habagat?

Ano na ang aksiyon ng gobyerno sa lumalalang problema sa baha?

ALJUR ABRENICA

ANG ANTI-GRAVITY YOGA

ANG BIG TIME

ANTI-GRAVITY YOGA

CIRCUIT TRAINING

PARTY PILIPINAS

POTCHI

SUSAN ROCES

TROPANG POTCHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with