^

PSN Showbiz

Fans ini-enganyo ni Marian na magbigay din ng dugo

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Bukas pa ang birthday ni Marian Rivera pero ngayon pa lamang ay magsisimula na ang kanyang selebrasyon sa pamamagitan ng isang blood-letting event o pagdo-donate ng dugo sa Philippine National Red Cross (PNRC) ngayong tanghali hanggang 6:00 p.m. sa Ever Gotesco Commonwealth sa Quezon City.

Sa tagumpay na patuloy na dumarating sa iti­nuturing na reyna ng GMA 7 primetime, naisip niya na sa halip na magpa-party ay gusto niyang magkaroon ng isang naiibang selebrasyon na mas maka­tutulong pa sa mas maraming nangangailangan at sa pamamatnubay ng paborito niyang ahensiya ng gobyerno na kanyang tinutulungan, ang Philippine Red Cross.

Darating ang star ng Tweets For My Sweet sa nasabing event ngayong tanghali at hinihimok niya ang kanyang mga supporter at fans na makibahagi rin sa inaasahan niyang pinakamakahulugang se­leb­rasyon niya ng kanyang kaarawan.

AA ng TV5 mga teleserye ang babanggain

Sa isinasagawa ring artista search ng GMA at ABS-CBN, mukhang mahihirapan ang Artista Aca­demy (AA) ng TV5 na makakuha ng mara­ming ma­nonood lalo’t ang mga makakalaban nito ay mga pambatong teleserye ng dalawang malalaki at kalabang network.

Not unless magtapos ang mga ito ay talagang mahihirapan ang bagong panoorin ng Kapatid Net­work na makumbinsi ang mga manonood na magbago ng panoorin. Bukod sa mga ipinagmamalaking teleserye ng dalawa nilang kalabang istasyon ay meron ding mga isinasagawang reality artista search ang GMA at ang ABS-CBN.

Mabuti ’yung The X Factor Philippines ay tuwing Sabado’t Linggo lamang napapanood pero ang mga kalaban nila will have to contend with its roster of teleserye tulad ng Walang Hanggan na talagang ma­­hi­hi­rapan silang tanggalan ng ma­nonood. Maganda rin ang mga gabi-gabing panoorin ng Siete lalo na ang One True Love at may sikat din silang Koreano­vela na ’di pinalalampas ng ma­nonood. AA will have to rely on Marvin Agustin and ’yung 16 nilang finalists para makasabay sa dalawa nilang kalabang network. Dapat ay may mapalutang silang finalists na talagang susubaybayan ng manonood at magdadala ng Artista Academy.

Tulad ng ginagawa ni Daniel Pa­dilla at Khalil Ramos sa Princess and I. Bagong artista lang ang pamangkin ni Robin Padilla at ang finalist ng Pilipinas Got Talent pero humahatak na sila ng maraming viewers for the show. May malaking promise ang 16 na napili para mag-aral sa Artista Academy. Let’s see if they’re worth the P10 M that they will get in the end.

Kanya-kanya na ng bet sa mga talent reality show

May kanya-kanyang bet ang mga host ng tatlong isinasagawang reality artista search ng tatlong major TV network sa bansa. Pero si­yempre, hindi nila ’yun ipagmamakaingay.

Ako rin may paborito. Like sa X Factor gus­to ko ang grupo ni Gary Valenciano na AKA JAM, si Allen Sta. Maria at KZ Tandi­ngan ni Charice at si Mark Mabasa ni Pilita Corrales.

Wala pa akong napipili na artist ni Martin Nievera at medyo disappointed nga ako sa performance ng tatlong gina-guide niyang finalist.

Like ko naman ang isa sa mga Protégé ni Roderick Paulate na may pangalang Kelly D. Marunong itong mag-build ng image. Bukod sa gustong makilala lamang sa una niyang pangalan, matatandaan mo siya agad dahil palaging nakasumbrero. Magandang kumbinasyon din ’yung kaalaman niyang kumanta at maggitara.

May impact din na agad ibinibigay si Zandra Summer na Protégé ni Jolina Magdangal. Pero alam kong bibigyan siya ng magandang laban ng mga Protégé nina Phillip Salvador (Ruru Madrid, Stef­fi Pacheco), Ricky Davao (Reese Tayag, Shel­ley Hipolito), at Gina Alajar (Mykel Ong, Thea Tolentino).

Maaari bang hindi ako makapili sa 16 ng Artista Aca­demy? Gusto ko ang face at height ni Vin Abrenica at cute sina Mark Neumann at Sophie Albert.

vuukle comment

ALLEN STA

ARTISTA

ARTISTA ACA

ARTISTA ACADEMY

BUKOD

PROT

SHY

X FACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with