^

PSN Showbiz

Xian at Enchong asiwang matanong sa love life

SEEN SCENE - The Philippine Star

SEEN: Hindi komportable sina Xian Lim at Enchong Dee kapag tinatanong sila tungkol sa kanilang mga love life.

SCENE: Ang Cinema 4 ng SM Megamall ang venue ng red carpet premiere ng The Reunion ng Star Cinema sa Martes.

Mga bida sa The Reunion sina Xian Lim, Enchong Dee, Kean Cipriano, at Enrique Gil.

SEEN: May television coverage ang pagtulong nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa flood victims na pinapasok at pinakain nila sa kanilang bahay sa Fairview, Quezon City.

SCENE: Magaling sa mga kalokohan ang mga Pinoy dahil sa gitna ng kalamidad, nagagawa pa nila na i-Photoshop ang eksena ni Rachel Weisz sa The Bourne Legacy habang nasa likod niya ang bugbugan scene ni Mon Tulfo at ng grupo ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago sa Ninoy Aquino International Airport.

SEEN: May naughty facial reaction ni Noli de Castro nang ibalita niya sa TV Patrol ang pagkikita ni P-Noy at Shalani Soledad sa Valenzuela City noong Huwebes.

SCENE: Ang Fortissimo Films ang international distributor ng Bwakaw, ang critically-acclaimed “indie movie” ni Eddie Garcia.

Mapapanood sa abroad ang Bwakaw dahil sa tulong ng Fortissimo Films.

SEEN: Hinihintay ang sagot ni Grace Mendoza sa aksiyon ni Charice na idispatsa siya.

Si Grace ang long-time manager ni Charice na sumalo, humarap, at nagtanggol sa mga pagkukulang ng kanyang dating alaga.

SCENE: Tumatanggap na ng mga aplikante ang Asian Academy of Television Arts para sa Creative Writing for Television Course na magsisimula sa October 2012.

ASIAN ACADEMY OF TELEVISION ARTS

BOURNE LEGACY

BWAKAW

CHARICE

CLAUDINE BARRETTO

CREATIVE WRITING

ENCHONG DEE

FORTISSIMO FILMS

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with